Unang Liham ni Juan 1:1-10

1  Sumulat kami sa inyo tungkol sa salita ng buhay,+ na mula pa sa pasimula, na narinig namin, na nakita ng sarili naming mga mata, na napagmasdan namin at nahipo ng mga kamay namin, 2  (oo, ang buhay ay nahayag, at nakita namin at pinapatotohanan+ at iniuulat sa inyo ang buhay na walang hanggan+ na nakasama ng Ama at nahayag sa amin), 3  at iniuulat namin sa inyo ang nakita at narinig namin,+ para kayo rin ay maging kaisa* namin, at sa gayon ay maging kaisa kayo ng Ama at ng kaniyang Anak na si Jesu-Kristo gaya namin.+ 4  Kaya isinulat namin ang mga bagay na ito para malubos ang kagalakan natin. 5  Ito ang mensaheng narinig namin mula sa kaniya at inihahayag sa inyo: Ang Diyos ay liwanag,+ at walang anumang kadiliman sa kaniya.* 6  Kung sasabihin natin, “Nakikiisa tayo sa kaniya,” pero patuloy tayong lumalakad sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi tayo namumuhay ayon sa katotohanan.+ 7  Gayunman, kung lumalakad tayo sa liwanag gaya niya na nasa liwanag, nagkakaisa nga tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak mula sa lahat ng kasalanan.+ 8  Kung sasabihin natin, “Wala tayong kasalanan,” dinaraya natin ang sarili natin+ at wala sa atin ang katotohanan. 9  Kung ipagtatapat natin ang mga kasalanan natin, patatawarin niya tayo sa ating mga kasalanan at lilinisin mula sa lahat ng kasamaan,+ dahil siya ay tapat at matuwid. 10  Kung sasabihin natin, “Hindi tayo nagkasala,” ginagawa natin siyang sinungaling, at wala sa atin ang salita niya.

Talababa

O “ay makasama.”
O “kadiliman kung kaisa niya.”

Study Notes

Media