Nilalaman ng 1 Tesalonica
A. INTRODUKSIYON (1:1-10)
Panimulang pagbati ni Pablo (1:1)
Ipinagpasalamat ni Pablo sa Diyos ang pananampalataya ng mga Kristiyano sa Tesalonica (1:2-7)
Tinalikuran ng mga taga-Tesalonica ang walang-buhay na mga idolo at naglingkod sa buháy na Diyos (1:8-10)
B. MATAGUMPAY NA MINISTERYO NI PABLO AT NG MGA KASAMAHAN NIYA SA TESALONICA (2:1–3:13)
Matapang na nangaral si Pablo sa kabila ng pag-uusig (2:1-4)
Naging mapagmahal at mabait si Pablo sa mga kapananampalataya niya (2:5-12)
Tinanggap ng mga Kristiyano sa Tesalonica ang salita ng Diyos at tiniis ang pang-uusig ng “mga kababayan” nila (2:13-16)
Gustong-gustong makita ni Pablo ang mga kapatid sa Tesalonica (2:17-20)
Naghihintay ng balita si Pablo habang nasa Atenas; isinugo niya si Timoteo sa Tesalonica (3:1-5)
Magandang balita ni Timoteo (3:6-10)
Panalangin ni Pablo na sumidhi ang pag-ibig ng mga Kristiyano sa Tesalonica (3:11-13)
C. MGA TAGUBILIN KUNG PAANO DAPAT MAMUHAY PARA MAGING KALUGOD-LUGOD SA DIYOS (4:1-12)
Kung paano mamumuhay para lubusang mapaluguran ang Diyos (4:1, 2)
Babala laban sa seksuwal na imoralidad (4:3-8)
Lalo pang mahalin ang isa’t isa (4:9-12)
D. PAGKABUHAY-MULI AT ANG PAGDATING NG ARAW NI JEHOVA (4:13–5:11)
Unang bubuhayin ang mga patay na kaisa ni Kristo (4:13-18)
“Ang pagdating ng araw ni Jehova ay kagayang-kagaya ng magnanakaw sa gabi” (5:1-5)
Manatiling gising at alerto; magpakita ng pananampalataya, pag-ibig, at pag-asa (5:6-11)
E. MGA TAGUBILIN KUNG PAANO PAKIKITUNGUHAN ANG ISA’T ISA SA LOOB NG KONGREGASYON (5:12-22)
Igalang ang mga nangunguna; alalayan ang mahihina at pinanghihinaan ng loob (5:12-15)
Laging manalangin, at huwag patayin ang apoy ng espiritu (5:16-22)
F. PANGHULING MENSAHE (5:23-28)
Ipinanalangin ni Pablo na ang buong kongregasyon ay manatiling walang kapintasan (5:23, 24)
Hiniling ni Pablo sa mga kapatid na ipanalangin siya at ang mga kasamahan niya at na basahin ang liham niya sa lahat ng kapatid (5:25-28)
nwtsty 1 Tesalonica