Nilalaman ng 2 Corinto
A. INTRODUKSIYON (1:1-11)
B. TINIYAK NI PABLO ANG PAG-IBIG NIYA SA MGA KRISTIYANO SA CORINTO AT INILARAWAN ANG MINISTERYO NIYA (1:12–7:16)
1. Nagbago ang mga plano ni Pablo sa paglalakbay (1:12-24)
2. Nagmamalasakit si Pablo sa mga Kristiyano sa Corinto (2:1-13)
3. Ang maluwalhating ministeryo ni Pablo at ng mga kasama niya (2:14–4:6)
Ikinumpara ang ministeryo sa isang prusisyon ng tagumpay (2:14-17)
Mga liham ng rekomendasyon (3:1-3)
Ginagawang kuwalipikado ng Diyos ang mga Kristiyano na maging mga ministro ng bagong tipan (3:4-6)
Nakahihigit na kaluwalhatian ng ministeryo ng bagong tipan (3:7-18)
Ministeryo na nagbibigay-liwanag sa pamamagitan ng kamangha-manghang kaalaman tungkol sa Diyos (4:1-6)
4. Bilang mga sisidlang luwad, maraming tiniis si Pablo at ang mga kasama niya (4:7-18)
5. Inaasam ni Pablo ang gantimpala niya sa langit (5:1-10)
6. Ministeryo ng pakikipagkasundo (5:11–6:2)
7. Inilarawan ni Pablo ang ministeryo niya (6:3-13)
8. Babala laban sa espirituwal na karumihan at idolatriya (6:14–7:1)
9. Nagsaya si Pablo dahil sa mga taga-Corinto (7:2-16)
Ipinagmamalaki ni Pablo ang mga kapatid sa Corinto (7:2-4)
Napanatag si Pablo nang makita si Tito at marinig ang magandang balita nito (7:5-7)
Makadiyos na kalungkutan at pagsisisi na umaakay sa kaligtasan (7:8-13a)
Masaya si Pablo dahil sa magandang ugnayan ni Tito at ng mga taga-Corinto (7:13b-16)
C. PAGLIKOM NG TULONG PARA SA MGA KRISTIYANO SA JUDEA NA NANGANGAILANGAN (8:1–9:15)
Magandang halimbawa sa mga taga-Corinto ang pagkabukas-palad ng mga Kristiyano sa Macedonia (8:1-7)
Nagpayo si Pablo para magkaroon ng “pagpapantay-pantay” (8:8-15)
Ipinadala si Tito sa Corinto para tumulong sa paglikom ng kontribusyon (8:16-24)
Mahalagang maging handa (9:1-5)
Pinasigla ni Pablo ang mga kapatid na maging bukas-palad: “Mahal ng Diyos ang masayang nagbibigay” (9:6-14)
”Walang-bayad na regalo [ng Diyos] na hindi mailarawan ng mga salita” (9:15)
D. MGA ARGUMENTO NI PABLO PARA MALABANAN ANG IMPLUWENSIYA NG MGA HUWAD NA APOSTOL (10:1–12:21)
E. MGA HULING MENSAHE NI PABLO SA MGA TAGA-CORINTO (13:1-14)