Nilalaman ng 2 Tesalonica
A. PANIMULANG PAGBATI NI PABLO (1:1, 2)
B. PINURI NI PABLO ANG MGA KRISTIYANO SA TESALONICA DAHIL NAPAGTIISAN NILA ANG MGA PAGSUBOK (1:3-12)
Nagpasalamat si Pablo sa Diyos dahil patuloy na lumalakas ang pananampalataya ng mga taga-Tesalonica (1:3-5)
Darating ang kaginhawahan kapag ginantihan na ng Panginoon ang mga mang-uusig (1:6-10)
Ipinapanalangin ni Pablo na ituring ng Diyos ang mga taga-Tesalonica na karapat-dapat sa pagtawag Niya (1:11, 12)
C. MASISIWALAT ANG NAPAKASAMANG TAO BAGO DUMATING ANG ARAW NI JEHOVA (2:1-12)
D. MGA TAGUBILIN SA TAMANG PAGGAWI (2:13–3:15)
Pinayuhan ni Pablo ang mga taga-Tesalonica na manatiling matatag at manghawakan sa mga bagay na itinuro sa kanila (2:13-17)
Hiniling ni Pablo sa mga taga-Tesalonica na ipanalangin siya at ang mga kamanggagawa niya (3:1-5)
Tinagubilinan ni Pablo ang mga taga-Tesalonica na layuan ang mga lumalakad nang wala sa ayos at paalalahanan sila bilang kapatid (3:6-15)
E. HULING PAGBATI (3:16-18)