Nilalaman ng 2 Timoteo
A. PANIMULANG PAGBATI (1:1, 2)
B. IPINAGPAPASALAMAT NI PABLO SA DIYOS ANG ‘PANANAMPALATAYA NI TIMOTEO NA WALANG HALONG PAGKUKUNWARI’ (1:3-5)
C. PINASIGLA NI PABLO SI TIMOTEO NA MANATILING TAPAT (1:6–2:13)
Dapat na patuloy na pagningasin ni Timoteo ang regalo ng Diyos sa kaniya (1:6, 7)
Mga dahilan kung bakit hindi dapat ikahiya ni Timoteo ang mabuting balita (1:8-12)
Pinayuhan si Timoteo na “manghawakan . . . sa pamantayan ng kapaki-pakinabang na mga salita” (1:13, 14)
Pinuri si Onesiforo dahil hindi siya natakot na suportahan si Pablo (1:15-18)
Pinasigla si Timoteo na ipagkatiwala ang mga natutuhan niya sa kuwalipikadong mga lalaki, na magtuturo naman ng mga ito sa iba (2:1, 2)
Mga aral mula sa mga ilustrasyon tungkol sa isang sundalo, atleta, at magsasaka (2:3-7)
Ang halimbawa ni Pablo ng pagtitiis habang nagdurusa (2:8-13)
D. MATAGUMPAY NA PAKIKIPAGLABAN SA MALING MGA TURO (2:14-26)
Pinayuhan si Timoteo na ‘gamitin nang tama ang salita ng katotohanan’ bilang isang manggagawa na kalugod-lugod sa harap ng Diyos (2:14-18)
“Nananatiling matatag ang matibay na pundasyon ng Diyos” sa kabila ng ginagawa ng huwad na mga guro (2:19)
Ilustrasyon tungkol sa iba’t ibang kagamitan sa loob ng isang malaking bahay (2:20-22)
Ang “alipin ng Panginoon” ay dapat na maging mabait at mahinahon sa pakikitungo sa iba, kahit na sa mga mang-uusig (2:23-26)
E. MGA TAO SA “MGA HULING ARAW”; MAY MGA APOSTATA NA (3:1-13)
F. MGA HULING BILIN NI PABLO (3:14–4:5)
G. KALAGAYAN NI PABLO BILANG BILANGGO (4:6-18)
H. HULING PAGBATI (4:19-22)