Ikatlong Liham ni Juan 1:1-14
1 Mula sa matandang lalaki para kay Gayo, ang minamahal, na talagang mahal ko.
2 Mahal kong kapatid, idinadalangin ko na magkaroon ka ng mabuting kalusugan at patuloy kang maging sagana sa lahat ng bagay, gaya ng kalagayan mo ngayon.
3 Dahil masayang-masaya ako nang dumating ang mga kapatid at sabihing nananatili kang tapat sa katotohanan, at masaya ako na patuloy kang lumalakad sa katotohanan.+
4 Wala nang mas makapagpapasaya pa sa akin* kaysa rito: ang marinig ko na ang mga anak ko ay patuloy na lumalakad sa katotohanan.+
5 Mahal kong kapatid, ipinapakita mo ang katapatan mo sa mga ginagawa mo para sa mga kapatid, kahit na hindi mo sila kilala.+
6 Nagpatotoo sila sa harap ng kongregasyon tungkol sa pag-ibig mo. Sa pag-alis nila, pakisuyong asikasuhin mo silang mabuti, sa paraang kalugod-lugod sa Diyos.+
7 Dahil pumunta sila sa iba’t ibang lugar alang-alang sa pangalan niya, at wala silang kinukuhang anuman+ mula sa mga tao ng ibang mga bansa.
8 Kaya pananagutan nating maging mapagpatuloy sa mga gaya nila,+ para tayo ay maging mga kamanggagawa sa katotohanan.+
9 Sumulat ako sa kongregasyon, pero si Diotrepes, na gustong maging pinakaprominente sa kanila,+ ay hindi tumatanggap ng anuman mula sa amin nang may paggalang.+
10 Kaya kapag pumunta ako riyan, itatawag-pansin ko ang masasamang sinasabi niya tungkol sa amin.+ At hindi pa siya nakontento rito; ayaw rin niyang tanggapin ang mga kapatid+ nang may paggalang. At ang mga gustong tumanggap sa mga kapatid ay hinahadlangan niya at pinalalayas sa kongregasyon.
11 Mahal kong kapatid, huwag mong tularan kung ano ang masama, kundi tularan mo kung ano ang mabuti.+ Ang gumagawa ng mabuti ay nagmula sa Diyos.+ Ang gumagawa ng masama ay hindi nakakita sa Diyos.+
12 Maganda ang sinasabi nilang lahat tungkol kay Demetrio at pinatutunayan ito ng katotohanan. Sa katunayan, ganiyan din ang masasabi namin tungkol sa kaniya, at alam mo na laging totoo ang sinasabi namin.
13 Marami akong gustong sabihin sa iyo, pero hindi ko gustong isulat iyon.
14 Umaasa akong makita ka kaagad at makausap nang personal.
Sumaiyo nawa ang kapayapaan.
Binabati ka ng mga kaibigan natin. Ikumusta mo ako sa bawat kaibigan natin diyan.
Talababa
^ O posibleng “Wala na akong mas maipagpapasalamat pa.”