Amos 3:1-15
3 “Pakinggan ninyo ang mensaheng ito ni Jehova may kinalaman sa inyo, O bayan ng Israel, may kinalaman sa buong pamilya na inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto:
2 ‘Kayo lamang ang kinilala ko sa lahat ng pamilya sa lupa.+
Kaya pananagutin ko kayo sa lahat ng inyong kamalian.+
3 Magkasama bang maglalakad ang dalawa kung hindi sila nagkasundong magkita?
4 Uungal ba ang leon sa kagubatan kung wala itong masisila?
Uungal ba ang leon sa lungga nito kung wala itong nahuli?
5 Mabibitag ba ang ibon sa lupa kung wala namang nakaumang na bitag para dito?*
Iigkas ba ang bitag mula sa lupa kung wala naman itong nahuli?
6 Kapag ang tambuli ay hinihipan sa isang lunsod, hindi ba’t nanginginig ang bayan?
Kapag may kapahamakang nangyari sa lunsod, hindi ba’t si Jehova ang gumawa nito?
7 Dahil ang Kataas-taasang* Panginoong Jehova ay hindi gagawa ng anumanMalibang naipaalám na niya ang kaniyang lihim sa mga lingkod niyang propeta.+
8 Umungal ang leon!+ Sino ang hindi matatakot?
Nagsalita ang Kataas-taasang Panginoong Jehova! Sino ang hindi manghuhula?’+
9 ‘Ipahayag ninyo iyon sa matitibay na tore ng AsdodAt sa matitibay na tore sa lupain ng Ehipto.
Sabihin ninyo: “Magtipon kayo laban sa kabundukan ng Samaria;+Tingnan ninyo ang kaguluhan sa gitna niyaAt ang pandaraya sa loob niya.+
10 Dahil hindi nila alam kung paano gumawa ng tama,” ang sabi ni Jehova,“Silang mga nag-iimbak ng karahasan at pagwasak* sa kanilang matitibay na tore.”’
11 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova,‘Isang kalaban ang papalibot sa lupain,+Aalisin niya ang iyong kapangyarihan,At ang iyong matitibay na tore ay sasamsaman.’+
12 Ito ang sinabi ni Jehova,‘Kung paanong inaagaw ng pastol mula sa bibig ng leon ang dalawang binti o isang piraso ng tainga,Ganoon aagawin ang bayang Israel,Ang mga taga-Samaria na nakaupo sa magagarang kama at magagandang higaan.’*+
13 ‘Makinig kayo at babalaan ninyo ang* sambahayan ni Jacob,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, na Diyos ng mga hukbo.
14 ‘Dahil sa araw na pananagutin ko ang Israel sa lahat ng paghihimagsik* niya,+Maglalapat din ako ng hatol sa mga altar ng Bethel;+Ang mga sungay ng altar ay puputulin at mahuhulog sa lupa.+
15 Pababagsakin ko ang bahay na pantaglamig, pati ang bahay na pantag-araw.’‘Maglalaho ang mga bahay na garing,*+At mawawasak ang malalaking* bahay,’+ ang sabi ni Jehova.”
Talababa
^ O posibleng “kung wala namang pain?”
^ O “Soberanong.”
^ O “nag-iimbak ng samsam sa pamamagitan ng karahasan at pagwasak.”
^ O “higaan ng taga-Damasco.”
^ O “at magpatotoo laban sa.”
^ O “krimen.”
^ Sa Ingles, ivory.
^ O posibleng “maraming.”