Amos 4:1-13

4  “Pakinggan ninyo ang salitang ito, kayong mga baka ng Basan,Na nasa bundok ng Samaria,+Kayong mga babae na nandaraya sa mga hamak+ at nang-aapi sa mahihirapAt nagsasabi sa inyong mga asawa,* ‘Bigyan ninyo kami ng maiinom!’   Ipinanumpa ng Kataas-taasang Panginoong Jehova ang kabanalan niya,‘“Darating ang panahon na ibibitin niya kayo sa mga pangawit ng mataderoAt ang iba pa sa inyo ay sa mga kawil.   Bawat isa sa inyo ay deretsong lalabas sa mga butas sa pader;At itatapon kayo sa Harmon,” ang sabi ni Jehova.’   ‘Pumunta kayo sa Bethel at gumawa ng kasalanan,*+Sa Gilgal at gumawa ng mas marami pang kasalanan!+ Dalhin ninyo ang inyong mga hain+ sa umaga,At ang inyong ikapu*+ sa ikatlong araw.   Magsunog kayo ng tinapay na may pampaalsa bilang hain ng pasasalamat;+Ipagsigawan ninyo na mayroon kayong kusang-loob na mga handog! Dahil iyan ang gustong-gusto ninyong gawin, O bayang Israel,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.   ‘Ginawa kong malinis ang mga ngipin ninyo* sa lahat ng inyong lunsod,At nagpasapit ako ng kakapusan sa tinapay sa lahat ng inyong bahay;+Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.   ‘Pinagkaitan ko rin kayo ng ulan tatlong buwan bago ang pag-aani;+Nagpaulan ako sa isang lunsod pero hindi sa isa pang lunsod. Umuulan sa isang lupain,Pero ang isa pang lupain na hindi nauulanan ay natutuyo.   Ang mga tao sa dalawa o tatlong lunsod ay sumuray-suray papunta sa isang lunsod para uminom ng tubig,+At hindi sapat ang nakukuha nila;Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.   ‘Nagpasapit ako sa inyo ng matinding init at ng amag.+ Nagparami kayo ng hardin at ubasan,Pero nilamon ng mga balang ang inyong mga puno ng igos at olibo;+At hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova. 10  ‘Nagpadala ako sa inyo ng salot na kagaya ng sa Ehipto.+ Sa pamamagitan ng espada ay pinatay ko ang inyong mga kabataang lalaki+ at kinuha ko ang inyong mga kabayo.+ Pinaabot ko sa mga butas ng ilong ninyo ang baho ng inyong mga kampo;+Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’ ang sabi ni Jehova. 11  ‘Pinabagsak ko ang inyong lupain,Gaya ng pagpapabagsak ng Diyos sa Sodoma at Gomorra.+ At naging gaya kayo ng isang kahoy na inagaw sa apoy;Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova. 12  Kaya iyan ang gagawin ko sa iyo, O Israel. Dahil ito ang gagawin ko sa iyo,Humanda kang harapin ang iyong Diyos, O Israel. 13  Dahil siya ang gumawa sa mga bundok+ at lumalang* sa hangin;+Sinasabi niya sa tao ang iniisip Niya,Ginagawa niyang kadiliman ang bukang-liwayway,+At tinatapakan niya ang matataas na lugar sa lupa;+Jehova na Diyos ng mga hukbo ang pangalan niya.”

Talababa

O “panginoon.”
O “at magrebelde.”
O “ikasampung bahagi.”
O “Hindi ko kayo binigyan ng pagkain.”
O “lumikha.”

Study Notes

Media