Apocalipsis kay Juan 16:1-21

16  At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa santuwaryo+ na nagsabi sa pitong anghel: “Humayo kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang pitong mangkok ng galit ng Diyos.”+ 2  Humayo ang una at ibinuhos ang mangkok niya sa lupa.+ At nagkaroon ng masakit at malubhang sugat+ ang mga tao na may marka ng mabangis na hayop+ at sumasamba sa estatuwa nito.+ 3  Ibinuhos ng ikalawa ang mangkok niya sa dagat.+ At ito ay naging dugo+ na gaya ng sa taong patay, at ang bawat buháy na nilalang* ay namatay, oo, ang mga bagay na nasa dagat.+ 4  Ibinuhos ng ikatlo ang mangkok niya sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig.+ At naging dugo ang mga iyon.+ 5  Narinig kong sinabi ng anghel na may awtoridad sa tubig: “Ikaw, ang kasalukuyan at ang nakaraan,+ ang Isa na tapat,+ ay matuwid, dahil ibinaba mo ang mga hatol na ito,+ 6  dahil ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta,+ at binigyan mo sila ng dugo para inumin;+ nararapat iyon sa kanila.”+ 7  At narinig kong sinabi ng altar: “Oo, Diyos na Jehova,* ang Makapangyarihan-sa-Lahat,+ totoo at matuwid ang mga hatol* mo.”+ 8  Ibinuhos ng ikaapat ang mangkok niya sa araw,+ at pinahintulutan ang araw na pasuin ng apoy ang mga tao. 9  At napaso ang mga tao sa matinding init, pero namusong* sila sa pangalan ng Diyos, na may awtoridad sa mga salot na ito, at hindi sila nagsisi at nagbigay ng kaluwalhatian sa kaniya. 10  Ibinuhos ng ikalima ang mangkok niya sa trono ng mabangis na hayop. At nagdilim ang kaharian nito,+ at pinasimulan nilang ngatngatin ang kanilang dila dahil sa kirot, 11  pero namusong sila sa Diyos ng langit dahil sa mga kirot at mga sugat nila, at hindi nila pinagsisihan ang mga ginagawa nila. 12  Ibinuhos ng ikaanim ang mangkok niya sa malaking ilog ng Eufrates,+ at natuyo ang tubig nito+ para ihanda ang daan para sa mga hari+ na mula sa sikatan ng araw.* 13  At nakakita ako ng tatlong maruruming mensahe* na tulad ng mga palaka na lumalabas sa bibig ng dragon+ at sa bibig ng mabangis na hayop at sa bibig ng huwad na propeta. 14  Sa katunayan, ang mga ito ay mga mensaheng galing sa mga demonyo at gumagawa ng mga tanda ang mga ito,+ at pumupunta ang mga ito sa mga hari ng buong lupa, para tipunin sila sa digmaan+ ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.+ 15  “Makinig kayo! Dumarating akong gaya ng magnanakaw!+ Maligaya ang nananatiling gisíng+ at nakasuot ng damit* niya, para hindi siya maglakad nang hubad at makita ng mga tao ang kahihiyan niya.”+ 16  At tinipon sila ng mga ito sa lugar na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.*+ 17  Ibinuhos ng ikapito ang mangkok niya sa hangin. At isang malakas na tinig ang lumabas sa santuwaryo+ mula sa trono, na nagsasabi: “Naganap na!” 18  At nagkaroon ng mga kidlat at mga tinig at mga kulog, at nagkaroon ng isang malakas na lindol na hindi pa nangyayari mula nang umiral ang tao sa lupa,+ isang napakalawak at napakalakas na lindol. 19  Ang dakilang lunsod+ ay nahati sa tatlo, at ang mga lunsod ng mga bansa ay bumagsak; at ang Babilonyang Dakila+ ay naalaala ng Diyos, para ibigay sa kaniya ang kopa ng alak ng Kaniyang matinding galit.+ 20  At ang bawat isla ay tumakas, at ang mga bundok ay nawala.+ 21  Pagkatapos, mula sa langit ay bumagsak sa mga tao ang malalaking tipak ng yelo,*+ na mga isang talento* ang bigat ng bawat isa, at namusong sa Diyos ang mga tao dahil sa salot ng yelo,+ dahil napakatindi ng salot.

Talababa

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “hudisyal na pasiya.”
Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”
O “sa silangan.”
Lit., “espiritu.”
Lit., “panlabas na kasuotan.”
Sa Griego, Har Ma·ge·donʹ, mula sa salitang Hebreo na nangangahulugang “Bundok ng Megido.”
Lit., “graniso.”
Ang isang talentong Griego ay 20.4 kg. Tingnan ang Ap. B14.

Study Notes

Media