Apocalipsis kay Juan 5:1-14

5  At nakita ko sa kanang kamay ng Isa na nakaupo sa trono+ ang isang balumbon na may sulat sa magkabilang panig* at selyadong mabuti ng pitong tatak.* 2  At nakita ko ang isang malakas na anghel na naghahayag sa malakas na tinig: “Sino ang karapat-dapat magbukas ng balumbon at mag-alis ng pagkakadikit ng mga tatak nito?” 3  Pero walang sinuman sa langit o sa lupa o sa ilalim ng lupa ang makapagbukas ng balumbon o makakita ng nasa loob nito. 4  Napahagulgol ako dahil walang nakitang karapat-dapat magbukas ng balumbon o tumingin sa nilalaman nito. 5  Pero sinabi sa akin ng isa sa matatanda: “Huwag ka nang umiyak. Ang Leon mula sa tribo ni Juda,+ ang ugat+ ni David,+ ay nagtagumpay*+ para magbukas ng balumbon at ng pitong tatak nito.” 6  At nakita kong nakatayo sa gitna ng trono at ng apat na buháy na nilalang at sa gitna ng matatanda+ ang isang kordero*+ na parang pinatay+ at may pitong sungay at pitong mata, at ang mga mata ay sumasagisag sa pitong espiritu ng Diyos+ na isinugo sa buong lupa. 7  At agad siyang lumapit at kinuha iyon mula sa kanang kamay ng Isa na nakaupo sa trono.+ 8  Nang kunin niya ang balumbon, ang apat na buháy na nilalang at ang 24 na matatanda+ ay sumubsob sa harap ng Kordero, at ang bawat isa ay may alpa at mga gintong mangkok na punô ng insenso. (Ang insenso ay sumasagisag sa mga panalangin ng mga banal.)+ 9  At umaawit sila ng isang bagong awit:+ “Ikaw ang karapat-dapat kumuha sa balumbon at magbukas nito, dahil ikaw ay pinatay at sa pamamagitan ng dugo mo ay bumili ka ng mga tao para sa Diyos+ mula sa bawat tribo at wika at bayan at bansa,+ 10  at ginawa mo silang isang kaharian+ at mga saserdote sa ating Diyos,+ at pamamahalaan nila ang lupa bilang mga hari.”+ 11  At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming anghel sa palibot ng trono at ng buháy na mga nilalang at ng matatanda, at ang bilang nila ay laksa-laksang mga laksa* at libo-libong mga libo,+ 12  at sinasabi nila sa malakas na tinig: “Ang Kordero na pinatay+ ay karapat-dapat na tumanggap ng kapangyarihan at kayamanan at karunungan at lakas at karangalan at kaluwalhatian at pagpapala.”+ 13  At narinig ko ang bawat nilalang na nasa langit at nasa lupa at nasa ilalim ng lupa+ at nasa dagat, at ang lahat ng bagay na nasa mga ito, na nagsasabi: “Sa Isa na nakaupo sa trono+ at sa Kordero,+ sumakanila nawa ang pagpapala at ang karangalan+ at ang kaluwalhatian at ang kalakasan magpakailanman.”+ 14  Ang apat na buháy na nilalang ay nagsasabi: “Amen!” at ang matatanda ay sumubsob at sumamba.

Talababa

Lit., “sa loob at sa likod.”
Tingnan sa Glosari, “Pantatak; Tatak.”
O “nanaig.”
O “batang tupa.”
O “sampu-sampung libong sampu-sampung libo.”

Study Notes

Media