Ang Awit ni Solomon 4:1-16
4 “Napakaganda mo, mahal ko.
Napakaganda mo.
Ang mga mata mo sa loob ng iyong belo ay gaya ng sa mga kalapati.
Ang buhok mo ay gaya ng kawan ng kambingNa bumababa mula sa mga bundok ng Gilead.+
2 Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng tupaNa bagong gupit at bagong ligo;Lahat ay may kakambalAt walang isa man ang nawawala.
3 Ang mga labi mo ay gaya ng pulang sinulid,At kaakit-akit ang iyong pananalita.
Ang mga pisngi* mong natatakpan ng iyong beloAy gaya ng hiniwang granada.*
4 Ang iyong leeg+ ay gaya ng tore ni David,+Na gawa sa patong-patong na mga batoAt sinasabitan ng sanlibong kalasag,Ang lahat ng bilog na kalasag ng malalakas na lalaki.+
5 Ang iyong dibdib* ay gaya ng kambalNa anak ng isang gasela,*+Na nanginginain sa gitna ng mga liryo.”*
6 “Bago maging mahangin* at mawala ang mga anino,Pupunta ako sa bundok ng miraAt sa burol ng olibano.”+
7 “Talagang maganda ka, mahal ko,+At wala kang kapintasan.
8 Sumama ka sa akin mula sa Lebanon, kasintahan ko,Sumama ka sa akin mula sa Lebanon.+
Bumaba ka mula sa taluktok ng Amanah,*Mula sa taluktok ng Senir, ang taluktok ng Hermon,+Mula sa lungga ng leon, mula sa mga bundok ng mga leopardo.
9 Nabihag mo ang puso ko,+ kapatid ko, kasintahan ko,Nabihag mo ang puso ko sa isang sulyap mo lang,Sa palawit lang ng iyong kuwintas.
10 Kay sarap ng mga kapahayagan ng pagmamahal mo,+ kapatid ko, kasintahan ko!
Mas gusto ko pa ang mga kapahayagan mo ng pagmamahal kaysa sa alak+At ang mabangong langis na ginagamit mo kaysa sa anumang pabango!+
11 Kasintahan ko, mula sa mga labi mo ay tumutulo ang purong pulot-pukyutan.+
Pulot-pukyutan at gatas ang nasa ilalim ng iyong dila,+At ang damit mo ay kasimbango ng Lebanon.
12 Ang kapatid ko, ang kasintahan ko, ay gaya ng isang nakakandadong hardin,Isang nakakandadong hardin, isang bukal na natatakpan.
13 Ang iyong mga sanga* ay isang hardin* ng mga granada,Na may pinakapiling mga bunga, na may kasamang henna at mga halamang nardo,
14 Nardo+ at safron, kania*+ at kanela,*+Na may iba’t ibang uri ng punong olibano, mira at aloe,+Kasama ng lahat ng pinakamababangong halaman.+
15 Ikaw ay isang bukal sa hardin, isang balon ng sariwang tubig,At isang batis na umaagos mula sa Lebanon.+
16 Gumising ka, O hanging hilaga;Pumasok ka, O hanging timog.
Humihip kayo* sa aking hardin.
Ikalat ninyo ang halimuyak nito.”
“Pumasok sana ang sinta ko sa kaniyang hardinAt kumain ng pinakapiling mga bunga nito.”
Talababa
^ O “sentido.”
^ O “dalawang suso.”
^ Isang hayop na parang usa.
^ Isang uri ng bulaklak.
^ Lit., “huminga ang araw.”
^ O “Anti-Lebanon.”
^ O posibleng “iyong balat.”
^ O “paraiso.”
^ Mabangong halaman.
^ Sa Ingles, cinnamon.
^ O “Humihip kayo nang banayad.”