Mga Awit 105:1-45
105 Magpasalamat kayo kay Jehova,+ tumawag kayo sa pangalan niya,Ipaalám ninyo sa mga bansa ang mga ginawa niya!+
2 Umawit kayo sa kaniya, umawit kayo ng mga papuri* sa kaniya,Pag-isipan* ninyo ang lahat ng kamangha-mangha niyang gawa.+
3 Ipagmalaki ninyo ang kaniyang banal na pangalan.+
Magsaya nawa ang puso ng mga humahanap kay Jehova.+
4 Hanapin ninyo si Jehova+ at umasa kayo sa lakas niya.
Lagi ninyong hanapin ang kaniyang mukha.*
5 Alalahanin ninyo ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa niya,Ang kaniyang mga himala at ang mga hatol na inihayag niya,+
6 Kayong mga supling* ng lingkod niyang si Abraham,+Kayong mga anak ni Jacob, na mga pinili niya.+
7 Siya si Jehova na ating Diyos.+
Siya ang humahatol sa buong lupa.+
8 Naaalaala niya ang kaniyang tipan magpakailanman,+Ang ipinangako* niya, hanggang sa sanlibong henerasyon,+
9 Ang tipan niya kay Abraham,+At ang panata niya kay Isaac,+
10 Na pinagtibay niya kay Jacob,At ibinigay niya bilang walang-hanggang tipan kay Israel.
11 Sinabi niya, “Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan+Bilang inyong mana.”+
12 Ito ay noong kakaunti pa sila,+Oo, napakakaunti, at noong mga dayuhan sila sa lupain.+
13 Nagpalipat-lipat sila ng bansa,Mula sa isang kaharian papunta sa ibang bayan.+
14 Hindi niya hinayaang pagmalupitan sila ng sinuman,+Kundi alang-alang sa kanila ay sumaway siya ng mga hari:+
15 “Huwag ninyong sasaktan ang mga pinili* ko,At huwag ninyong gagawan ng masama ang mga propeta ko.”+
16 Nagpasapit siya ng taggutom sa lupain;+Pinutol niya ang kanilang suplay ng tinapay.*
17 Nagsugo siya ng isang lalaking mauuna sa kanilaNa ibinenta para maging alipin, si Jose.+
18 Ikinadena nila* ang mga paa niya,+Iginapos sa bakal ang leeg* niya;
19 Hanggang sa araw na magkatotoo ang sinabi niya,+Ang pananalita ni Jehova ang dumalisay sa kaniya.
20 Ipinag-utos ng hari na palayain siya,+Pinalaya siya ng tagapamahala ng mga bayan.
21 Ginawa niya siyang panginoon sa sambahayan niya,Tagapamahala sa lahat ng ari-arian niya,+
22 Para lubusang mamuno sa* kaniyang matataas na opisyalAt magturo ng karunungan sa kaniyang matatandang lalaki.+
23 Pagkatapos, dumating si Israel sa Ehipto,+At nanirahan si Jacob bilang dayuhan sa lupain ni Ham.
24 Pinalaki ng Diyos ang bayan niya;+Ginawa niya silang mas malakas kaysa sa mga kalaban nila.+
25 Hinayaan niyang magbago ang puso ng mga ito, mapoot sa bayan niya,At magpakana laban sa mga lingkod niya.+
26 Isinugo niya ang lingkod niyang si Moises,+At si Aaron+ na kaniyang pinili.
27 Ipinakita nila sa mga ito ang kaniyang mga tanda,Sa lupain ni Ham ang mga himala niya.+
28 Nagsugo siya ng kadiliman at nagdilim sa lupain;+Hindi sila naghimagsik laban sa mga salita niya.
29 Ginawa niyang dugo ang tubig nila*At pinatay ang kanilang mga isda.+
30 Napuno ng palaka ang lupain nila,+Kahit ang mga silid sa palasyo.
31 Inutusan niyang sumalakay ang nangangagat na mga langawAt ang mga niknik* sa lahat ng teritoryo nila.+
32 Ginawa niyang yelo* ang kanilang ulan,At nagpadala siya ng kidlat* sa lupain nila.+
33 Pininsala niya ang kanilang mga puno ng ubas at igosAt sinira ang mga puno sa teritoryo nila.
34 Inutusan niyang sumalakay ang mga balang,Mga batang balang na hindi mabilang.+
35 Nilamon ng mga iyon ang lahat ng pananim sa lupain,Nilamon ng mga iyon ang mga bunga ng lupa.
36 At pinatay niya ang lahat ng panganay sa lupain nila,+Ang pasimula ng kanilang kakayahang magkaanak.
37 Inilabas niya ang bayan niya na may dalang pilak at ginto;+At walang sinuman sa mga tribo niya ang nabuwal.
38 Nagsaya ang Ehipto nang umalis sila,Dahil natatakot na ito sa Israel.*+
39 Naglagay siya ng ulap para matakpan sila+
At ng apoy para magbigay ng liwanag sa gabi.+
40 Humingi sila, at nagbigay siya ng pugo;+Patuloy niya silang binusog ng tinapay mula sa langit.+
41 Biniyak niya ang isang bato at lumabas ang tubig;+Dumaloy ito sa disyerto na parang ilog.+
42 Dahil naalaala niya ang banal na pangako niya sa lingkod niyang si Abraham.+
43 Kaya inilabas niya ang kaniyang bayan nang may pagsasaya,+Ang mga pinili niya nang may hiyaw ng kagalakan.
44 Ibinigay niya sa kanila ang lupain ng mga bansa;+Minana nila ang pinaghirapan ng ibang bayan,+
45 Para tuparin nila ang mga batas niya+At sundin ang mga kautusan niya.
Purihin ninyo si Jah!*
Talababa
^ O posibleng “Isalaysay.”
^ O “umawit kayo at tumugtog para.”
^ O “presensiya.”
^ O “inapo.” Lit., “Kayong binhi.”
^ Lit., “salitang iniutos.”
^ Lit., “pinahiran.”
^ Lit., “Binali niya ang bawat tungkod ng tinapay.” Posibleng tumutukoy sa mga tungkod na pinagsasabitan ng tinapay.
^ Lit., “Sinaktan nila ng kadena.”
^ Lit., “Para igapos ang.”
^ Mga Ehipsiyo.
^ Isang maliit na insekto na karaniwan sa Ehipto at nangangagat na gaya ng lamok.
^ O “nagliliyab na apoy.”
^ O “graniso.”
^ Lit., “kanila.”
^ O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.