Mga Awit 107:1-43
107 Magpasalamat kayo kay Jehova, dahil siya ay mabuti;+Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+
2 Sabihin nawa ito ng mga binawi* ni Jehova,Ng mga binawi niya mula sa kamay* ng mga kalaban,+
3 At tinipon niya mula sa mga lupain,+Mula sa silangan at mula sa kanluran,*Mula sa hilaga at mula sa timog.+
4 Nagpagala-gala sila sa ilang, sa disyerto;Wala silang nakitang daan na papunta sa isang lunsod na matitirhan nila.
5 Gutom sila at uhaw;Nanghihina sila sa pagod.
6 Patuloy silang dumaing kay Jehova sa paghihirap nila;+Iniligtas niya sila sa kapighatian nila.+
7 Pinalakad niya sila sa tamang daan+Para makarating sa isang lunsod na matitirhan nila.+
8 Magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova+ dahil sa kaniyang tapat na pag-ibigAt dahil sa kaniyang kamangha-manghang mga gawa para sa mga anak ng tao.+
9 Dahil pinainom niya ang uhawAt binusog ng mabubuting bagay ang gutom.+
10 Ang ilan ay namumuhay sa matinding kadiliman,Mga bilanggong nagdurusa at nakakadena.
11 Dahil nagrebelde sila sa salita ng Diyos;Winalang-galang nila ang payo ng Kataas-taasan.+
12 Kaya pinaranas niya sila ng hirap para matuto silang magpakumbaba;+Nadapa sila, at walang sinumang tumulong.
13 Humingi sila ng tulong kay Jehova sa paghihirap nila;Iniligtas niya sila sa kapighatian nila.
14 Inilabas niya sila mula sa matinding kadilimanAt nilagot ang kanilang mga kadena.+
15 Magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova dahil sa kaniyang tapat na pag-ibig+At dahil sa kaniyang kamangha-manghang mga gawa para sa mga anak ng tao.
16 Dahil winasak niya ang mga pintong tansoAt pinutol ang mga halang na bakal.+
17 Mangmang sila at nagdusa+Dahil sa kanilang mga kasalanan at pagkakamali.+
18 Nawalan sila ng gana sa anumang pagkain;Malapit na sila sa pinto ng kamatayan.
19 Humihingi sila ng tulong kay Jehova sa paghihirap nila;Inililigtas niya sila sa kapighatian nila.
20 Isinusugo niya ang kaniyang salita at pinagagaling sila+At inililigtas sila mula sa hukay na kinasadlakan nila.
21 Magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova dahil sa kaniyang tapat na pag-ibigAt dahil sa kaniyang kamangha-manghang mga gawa para sa mga anak ng tao.
22 Mag-alay nawa sila ng mga handog ng pasasalamat+At ipahayag ang kaniyang mga gawa nang may hiyaw ng kagalakan.
23 Ang mga naglalakbay sa dagat sakay ng mga barko,Na nangangalakal sa malalawak na tubig,+
24 Nakita nila ang mga gawa ni JehovaAt ang kamangha-mangha niyang mga gawa sa karagatan;+
25 Kung paanong kapag iniutos niya ay nagkakaroon ng buhawi,+Na nagpapaangat sa mga alon ng dagat.
26 Pumapaitaas sila sa langit;Bumabagsak sila sa kailaliman.
Nanghihina ang loob nila dahil sa paparating na kapahamakan.
27 Sumusuray-suray silang gaya ng lasing,At nawawalan ng saysay ang anumang kasanayan nila.+
28 Humihingi sila ng tulong kay Jehova sa paghihirap nila,+At inililigtas niya sila sa kapighatian nila.
29 Pinahuhupa niya ang buhawi;Kumakalma ang mga alon sa dagat.+
30 Nagsasaya sila kapag tumahimik na ang mga ito,At inaakay niya sila sa gusto nilang daungan.
31 Magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova dahil sa kaniyang tapat na pag-ibigAt dahil sa kaniyang kamangha-manghang mga gawa para sa mga anak ng tao.+
32 Purihin nawa nila siya sa kongregasyon ng bayan;+Purihin nawa nila siya sa kapulungan* ng matatandang lalaki.
33 Ang mga ilog ay ginagawa niyang disyertoAt ang mga bukal ng tubig ay tinutuyo niya,+
34 Ang mabungang lupain ay ginagawa niyang walang-silbing lupain,+Dahil sa kasamaan ng mga nakatira doon.
35 Ang disyerto ay ginagawa niyang lawa na may mga halaman,At ang tuyong lupain ay ginagawa niyang bukal ng tubig.+
36 Pinatitira niya roon ang mga gutom,+Para makapagtayo sila ng isang lunsod na matitirhan nila.+
37 Naghahasik sila sa mga bukid at nag-aalaga ng mga ubasan+Na nagbubunga nang sagana.+
38 Pinagpapala niya sila at dumarami sila;Hindi niya hinahayaang umunti ang mga baka nila.+
39 Pero muli silang umunti at napahiyaDahil sa pang-aapi, kapahamakan, at pamimighati.
40 Hinahamak niya ang mga prominenteAt pinagagala-gala sila sa tiwangwang na mga lugar na walang mga daanan.+
41 Pero pinoprotektahan* niya ang mahihirap mula sa pang-aapi+At pinararami ang mga pamilya nila na parang kawan.
42 Nakikita ito ng mga matuwid at nagsasaya sila;+Pero tikom ang bibig ng lahat ng masasama.+
43 Ang marunong ay magmamasid sa mga bagay na ito,+At pag-iisipan niyang mabuti ang tapat na pag-ibig na ipinapakita ni Jehova.+
Talababa
^ O “tinubos.”
^ O “kapangyarihan.”
^ O “mula sa sikatan at mula sa lubugan ng araw.”
^ Lit., “upuan.”
^ O “itinataas,” ibig sabihin, hindi maaabot.