Mga Awit 11:1-7
Sa direktor. Awit ni David.
11 Kay Jehova ako nanganganlong.+
Kaya bakit ninyo sinasabi sa akin:
“Tumakas kang gaya ng ibon sa bundok ninyo!
2 Inihahanda ng masasama ang búsog;Inilalagay nila sa bagting ang kanilang palasoPara panain mula sa kadiliman ang mga tapat ang puso.
3 Kapag nagiba ang mga pundasyon,*Ano ang magagawa ng matuwid?”
4 Si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo.+
Ang trono ni Jehova ay nasa langit.+
Nakikita ng mga mata niya ang lahat; sinusuri ng mapagbantay* niyang mga mata ang mga anak ng tao.+
5 Sinusuri ni Jehova ang matuwid pati ang masama;+Napopoot siya sa sinumang mahilig sa karahasan.+
6 Magpapaulan siya ng bitag* sa masasama;Apoy at asupre*+ at nakapapasong hangin ang ilalagay sa kopa nila.
7 Dahil si Jehova ay matuwid;+ iniibig niya ang matuwid na mga gawa.+
Makikita ng mga tapat ang mukha niya.*+
Talababa
^ O “pundasyon ng katarungan.”
^ O “nagniningning.”
^ O posibleng “nagbabagang mga uling.”
^ Dito, ang salitang “asupre” ay tumutukoy sa isang uri ng bato na nag-aapoy.
^ O “Pagpapalain niya ang mga tapat.”