Mga Awit 114:1-8

114  Nang lumabas ang Israel mula sa Ehipto,+Nang umalis ang sambahayan ni Jacob mula sa isang bayang banyaga ang wika,   Ang Juda ang naging santuwaryo* niya,Ang Israel ang naging nasasakupan niya.+   Nakita iyon ng dagat at tumakas;+Umurong ang Jordan.+   Ang mga bundok ay naglulukso na gaya ng mga barakong tupa,+Ang mga burol, na gaya ng mga kordero.*   O dagat, bakit ka tumakas?+ O Jordan, bakit ka umurong?+   O mga bundok, bakit kayo naglulukso na gaya ng mga barakong tupa,Na gaya ng mga kordero, O mga burol?   Manginig ka, O lupa, dahil sa Panginoon,Dahil sa Diyos ni Jacob.+   Ang malaking bato ay ginagawa niyang lawa na may mga halaman;Ang matigas na bato ay ginagawa niyang bukal ng tubig.+

Talababa

O “banal na lugar.”
O “batang tupa.”

Study Notes

Media