Mga Awit 115:1-18

115  Hindi sa amin, O Jehova, hindi sa amin,*Kundi sa iyong pangalan ang kaluwalhatian+Dahil sa iyong tapat na pag-ibig at katapatan.+  2  Bakit sasabihin ng mga bansa: “Nasaan ang Diyos nila?”+  3  Ang Diyos namin ay nasa langit;Ginagawa niya ang anumang maibigan niya.  4  Ang mga idolo nila ay pilak at ginto,Gawa ng mga kamay ng tao.+  5  May bibig sila, pero hindi sila makapagsalita;+May mata, pero hindi sila makakita;  6  May tainga sila, pero hindi sila makarinig;May ilong, pero hindi sila makaamoy;  7  May kamay sila, pero wala silang pakiramdam;May paa, pero hindi sila makalakad;+Hindi makagawa ng tunog ang lalamunan nila.+  8  Ang mga gumagawa sa kanila ay magiging gaya nila,+Pati na ang lahat ng nagtitiwala sa kanila.+  9  O Israel, magtiwala kayo kay Jehova+—Siya ang kanilang katulong at kalasag.+ 10  O sambahayan ni Aaron,+ magtiwala kayo kay Jehova—Siya ang kanilang katulong at kalasag. 11  Kayong mga natatakot kay Jehova, magtiwala kayo kay Jehova+—Siya ang kanilang katulong at kalasag.+ 12  Inaalaala tayo ni Jehova at pagpapalain niya tayo;Pagpapalain niya ang sambahayan ni Israel;+Pagpapalain niya ang sambahayan ni Aaron. 13  Pagpapalain niya ang mga natatakot kay Jehova,Ang nakabababa at ang nakatataas. 14  Pararamihin kayo ni Jehova,Kayo at ang mga anak* ninyo.+ 15  Pagpalain nawa kayo ni Jehova,+Ang Maylikha ng langit at lupa.+ 16  Ang langit ay kay Jehova,+Pero ang lupa ay ibinigay niya sa mga anak ng tao.+ 17  Hindi pumupuri kay Jah ang mga patay,+Ang sinumang nasa libingan.*+ 18  Pero pupurihin namin si JahNgayon at magpakailanman. Purihin si Jah!*

Talababa

O “Walang anumang nararapat sa amin, O Jehova, walang anumang nararapat sa amin.”
Lit., “anak na lalaki.”
Lit., “sinumang bumababa sa katahimikan.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.

Study Notes

Media