Mga Awit 116:1-19

116  Mahal ko si JehovaDahil dinirinig niya* ang tinig ko, ang paghingi ko ng tulong.+  2  Dahil nakikinig siya* sa akin,+At tatawag ako sa kaniya habang nabubuhay ako.*  3  Tinalian ako ng mga lubid ng kamatayan;Mahigpit ang hawak sa akin ng Libingan.*+ Labis akong naghihirap at nagdadalamhati.+  4  Pero tumawag ako sa pangalan ni Jehova:+ “O Jehova, iligtas mo ako!”  5  Si Jehova ay mapagmalasakit* at matuwid;+Ang Diyos natin ay maawain.+  6  Binabantayan ni Jehova ang mga walang karanasan.+ Nalugmok ako, pero iniligtas niya ako.  7  Muli akong mapapanatag,Dahil naging mabait sa akin si Jehova.  8  Iniligtas mo ako mula sa kamatayan,Ang mata ko mula sa mga luha, ang paa ko mula sa pagkatisod.+  9  Lalakad ako sa harap ni Jehova sa lupain ng mga buháy. 10  Nanampalataya ako, kaya nagsalita ako;+Labis akong naghihirap. 11  Natakot ako at sinabi ko: “Ang lahat ng tao ay sinungaling.”+ 12  Ano ang igaganti ko kay JehovaSa lahat ng kabutihang ginawa niya sa akin? 13  Kukunin ko ang kopa ng kaligtasan,*At tatawag ako sa pangalan ni Jehova. 14  Tutuparin ko ang mga panata ko kay JehovaSa harap ng buong bayan niya.+ 15  Napakalaking kawalan* para kay JehovaAng kamatayan ng mga tapat sa kaniya.+ 16  Nakikiusap ako sa iyo, O Jehova,Dahil lingkod mo ako. Lingkod mo ako, ang anak ng iyong aliping babae. Pinalaya mo ako sa pagkakagapos.+ 17  Maghahandog ako sa iyo ng pasasalamat;+Tatawag ako sa pangalan ni Jehova. 18  Tutuparin ko ang mga panata ko kay Jehova+Sa harap ng buong bayan niya,+ 19  Sa mga looban* ng bahay ni Jehova,+Sa gitna mo, O Jerusalem. Purihin si Jah!*+

Talababa

O posibleng “Nagmamahal ako dahil dinirinig ni Jehova.”
O “yumuyuko siya para makinig.”
Lit., “sa mga araw ko.”
Lit., “Natagpuan ako ng mga kabagabagan ng Sheol.”
O “magandang-loob.”
O “dakilang pagliligtas.”
Lit., “Napakalaki ng halaga.”
O “bakuran.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.

Study Notes

Media