Mga Awit 123:1-4
Awit ng Pag-akyat.
123 Tumingin ako sa iyo,+Sa iyo na nakaupo sa trono sa langit.
2 Kung paanong nakatingin ang mga lingkod sa kamay ng panginoon nila,At ang lingkod na babae sa kamay ng amo niyang babae,Gayon kami nakatingin kay Jehova na aming Diyos+Hanggang sa pagpakitaan niya kami ng awa.+
3 Kaawaan mo kami, O Jehova, kaawaan mo kami,Dahil labis-labis na kaming hinahamak.+
4 Labis-labis na kaming inaalipusta ng mga hambogAt hinahamak ng mga mapagmataas.