Mga Awit 124:1-8

Awit ng Pag-akyat. Awit ni David. 124  “Kung hindi pumanig sa atin si Jehova”+ —Sabihin ngayon ng Israel—  2  “Kung hindi pumanig sa atin si Jehova+Nang salakayin tayo ng mga kaaway,+  3  Baka nilamon na nila tayo nang buháy+Noong nag-aapoy ang galit nila sa atin.+  4  Baka tinangay na tayo ng tubigAt inanod ng malakas na agos.+  5  Baka natabunan na tayo ng rumaragasang tubig.  6  Purihin nawa si Jehova,Dahil hindi niya tayo hinayaang lurayin ng mga ngipin nila.  7  Para tayong ibong nakatakasSa bitag ng mangangaso;+Nasira ang bitag,At nakatakas tayo.+  8  Ang kaligtasan natin* ay nasa pangalan ni Jehova,+Ang Maylikha ng langit at lupa.”

Talababa

Lit., “Ang tulong para sa atin.”

Study Notes

Media