Mga Awit 125:1-5
Awit ng Pag-akyat.
125 Ang mga nagtitiwala kay Jehova+Ay gaya ng Bundok Sion, na hindi matitinag,Kundi mananatili magpakailanman.+
2 Kung paanong napapalibutan ng mga bundok ang Jerusalem,+Gayon pinapalibutan ni Jehova ang bayan niya+Ngayon at magpakailanman.
3 Ang setro ng kasamaan ay hindi mananatili sa lupaing ibinigay sa mga matuwid,+Para hindi bumaling sa paggawa ng masama ang mga matuwid.*+
4 O Jehova, gawan mo nawa ng mabuti ang mabubuti,+Ang mga may matuwid na puso.+
5 Ang mga lumilihis para gumawa ng maliAy aalisin ni Jehova kasama ng masasama.+
Magkaroon nawa ng kapayapaan sa Israel.
Talababa
^ O “Para hindi gamitin ng mga matuwid ang kamay nila sa masama.”