Mga Awit 126:1-6

Awit ng Pag-akyat. 126  Nang muling tipunin ni Jehova ang mga nabihag sa Sion,+Para tayong nananaginip.  2  Nang panahong iyon, nagtatawanan tayoAt humihiyaw sa kagalakan.+ Nang panahong iyon, sinabi nila sa mga bansa: “Si Jehova ay gumawa ng dakilang mga bagay para sa kanila.”+  3  Si Jehova ay gumawa ng dakilang mga bagay para sa atin,+At napakasaya natin.  4  O Jehova, tipunin mong muli* ang mga binihag sa amin,Na gaya ng mga batis sa Negeb.*  5  Ang mga naghahasik ng binhi nang may luhaAy gagapas nang may hiyaw ng kagalakan.  6  Ang lumalabas, kahit na umiiyak,Dala ang kaniyang supot ng binhi,Ay tiyak na babalik na humihiyaw sa kagalakan,+Dala ang kaniyang mga bungkos.+

Talababa

O “ibalik mo.”
O “ng mga wadi sa timog.”

Study Notes

Media