Mga Awit 127:1-5
Awit ng Pag-akyat. Awit ni Solomon.
127 Kung hindi si Jehova ang nagtatayo ng bahay,Walang saysay ang pagpapagal ng mga nagtatayo nito.+
Kung hindi binabantayan ni Jehova ang lunsod,+Walang saysay ang pananatiling gisíng ng mga bantay.
2 Walang saysay na gumigising kayo nang maaga,Na nagpupuyat kayo,Na nagpapakahirap kayo para makakain,Dahil naglalaan siya sa mga minamahal niya at binibigyan sila ng mahimbing na tulog.+
3 Ang mga anak ay mana mula kay Jehova;+Ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala.+
4 Gaya ng mga palaso sa kamay ng malakas na lalaki,Gayon ang mga anak ng isa noong kabataan niya.+
5 Maligaya ang lalaki na pumupuno sa kaniyang lalagyan ng mga palaso.+
Hindi sila mapapahiya,Dahil makikipag-usap ang mga ito sa mga kaaway sa pintuang-daan.