Mga Awit 129:1-8

Awit ng Pag-akyat. 129  “Mula pa sa pagkabata, lagi na nila akong pinahihirapan”+ —Sabihin ngayon ng Israel—  2  “Mula pa sa pagkabata, lagi na nila akong pinahihirapan;+Pero hindi nila ako natatalo.+  3  Ang mga mang-aararo ay nag-araro sa likod ko;+Pinahaba nila ang kanilang mga tudling.”*  4  Pero si Jehova ay matuwid;+Pinagputol-putol niya ang mga lubid ng masasama.+  5  Mapapahiya sila at uurong sa kahihiyan,Lahat ng napopoot sa Sion.+  6  Magiging gaya sila ng damo sa mga bubunganNa natutuyot na bago pa bunutin,  7  Na hindi makapupuno sa kamay ng manggagapasO sa mga braso ng nagtitipon ng mga bungkos.  8  Hindi sasabihin ng mga dumadaan: “Pagpalain nawa kayo ni Jehova;Pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Jehova.”

Talababa

Makitid na hukay sa inararong lupa.

Study Notes

Media