Mga Awit 132:1-18
Awit ng Pag-akyat.
132 O Jehova, alalahanin mo si DavidAt ang lahat ng pagdurusa niya,+
2 Na sumumpa siya kay Jehova,Nanata siya sa Makapangyarihan ng Jacob:+
3 “Hindi ako papasok sa tolda ko, sa bahay ko.+
Hindi ako hihiga sa higaan ko, sa kama ko;
4 Hindi ko patutulugin ang mga mata ko,Hindi ko papipikitin ang talukap ng mga mata ko
5 Hanggang sa makakita ako ng lugar para kay Jehova,Isang magandang tahanan* para sa Makapangyarihan ng Jacob.”+
6 Narinig namin iyon sa Eprata;+Nakita namin iyon sa mga parang ng kagubatan.+
7 Pumasok tayo sa tahanan* niya;+Yumukod tayo sa harap ng kaniyang tuntungan.+
8 O Jehova, magpunta ka sa iyong pahingahan,+Ikaw at ang Kaban ng iyong lakas.+
9 Madamtan nawa ng katuwiran ang iyong mga saserdote,At humiyaw nawa nang may kagalakan ang mga tapat sa iyo.
10 Alang-alang sa lingkod mong si David,Huwag mong itakwil ang* pinili* mo.+
11 Sumumpa si Jehova kay David;Hindi niya babawiin ang sinabi niya:
“Isa sa mga supling* moAng iluluklok ko sa iyong trono.+
12 Kung tutuparin ng mga anak mo ang tipan koAt susundin ang mga paalaala ko sa kanila,+Ang mga anak din nilaAy uupo sa iyong trono magpakailanman.”+
13 Dahil pinili ni Jehova ang Sion;+Iyon ang gusto niyang maging tahanan niya:+
14 “Ito ang pahingahan ko magpakailanman;Dito ako maninirahan,+ dahil ito ang gusto ko.
15 Pagpapalain ko ito ng saganang pagkain;Bubusugin ko ng tinapay ang mga dukhang narito.+
16 Bibihisan ko ng kaligtasan ang mga saserdote nito,+At hihiyaw sa kagalakan ang mga tapat.+
17 Doon ay lalo kong palalakasin si* David.
Naghanda ako ng lampara para sa aking pinili.*+
18 Bibihisan ko ng kahihiyan ang mga kaaway niya,Pero ang korona* sa ulo niya ay magniningning.”+
Talababa
^ O “Isang maringal na tabernakulo.”
^ O “maringal na tabernakulo.”
^ Lit., “pinahiran.”
^ Lit., “italikod ang mukha ng.”
^ Lit., “bunga ng sinapupunan.”
^ Lit., “Doon ay patutubuin ko ang sungay ni.”
^ Lit., “pinahiran.”
^ O “diadema.”