Mga Awit 134:1-3

Awit ng Pag-akyat. 134  Purihin ninyo si Jehova,Kayong lahat na mga lingkod ni Jehova,+Kayong mga nakatayo sa bahay ni Jehova kung gabi.+   Itaas ninyo ang mga kamay ninyo+ taglay ang kabanalan*At purihin ninyo si Jehova.   Mula sa Sion ay pagpalain ka nawa ni Jehova,Ang Maylikha ng langit at lupa.

Talababa

O posibleng “sa santuwaryo.”

Study Notes

Media