Mga Awit 135:1-21
135 Purihin si Jah!*
Purihin ang pangalan ni Jehova;Maghandog kayo ng papuri, kayong mga lingkod ni Jehova,+
2 Kayong mga nakatayo sa bahay ni Jehova,Sa mga looban* ng bahay ng ating Diyos.+
3 Purihin si Jah, dahil si Jehova ay mabuti.+
Umawit kayo ng mga papuri* sa pangalan niya, dahil ito ay kalugod-lugod.
4 Dahil pinili ni Jah si Jacob para sa kaniyang sarili,Ang Israel bilang espesyal* na pag-aari niya.+
5 Dahil alam na alam kong dakila si Jehova;Ang Panginoon natin ay nakahihigit sa lahat ng iba pang diyos.+
6 Ginagawa ni Jehova ang lahat ng gusto niyang gawin+Sa langit at sa lupa, sa mga karagatan at sa lahat ng kalaliman nito.
7 Nagpapailanlang siya ng mga ulap* mula sa mga dulo ng lupa;Gumagawa siya ng kidlat* para sa ulan;Inilalabas niya ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.+
8 Pinuksa niya ang mga panganay ng Ehipto,Mga tao at hayop.+
9 Nagpadala siya sa iyo ng mga tanda at mga himala, O Ehipto,+Laban sa Paraon at sa lahat ng lingkod nito.+
10 Nagpabagsak siya ng maraming bansa+At pumatay ng makapangyarihang mga hari+
11 —Si Sihon na hari ng mga Amorita,+Si Og na hari ng Basan,+At ang lahat ng kaharian sa Canaan.
12 Ipinamana niya ang lupain ng mga ito,Ipinamana sa bayan niyang Israel.+
13 O Jehova, ang pangalan mo ay mananatili magpakailanman.
O Jehova, ang katanyagan* mo ay mananatili sa lahat ng henerasyon.+
14 Dahil ipagtatanggol ni Jehova ang bayan* niya,+At maaawa siya sa mga lingkod niya.+
15 Ang mga idolo ng mga bansa ay pilak at ginto,Gawa ng mga kamay ng tao.+
16 May bibig sila, pero hindi sila makapagsalita;+May mata, pero hindi sila makakita;
17 May tainga sila, pero hindi sila makarinig.
Walang hininga sa bibig nila.+
18 Ang mga gumagawa sa kanila ay magiging gaya nila,+Pati na ang lahat ng nagtitiwala sa kanila.+
19 O sambahayan ni Israel, purihin ninyo si Jehova.
O sambahayan ni Aaron, purihin ninyo si Jehova.
20 O sambahayan ni Levi, purihin ninyo si Jehova.+
Kayong mga natatakot kay Jehova, purihin ninyo si Jehova.
21 Purihin nawa si Jehova mula sa Sion,+Siya na naninirahan sa Jerusalem.+
Purihin si Jah!+
Talababa
^ O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
^ O “bakuran.”
^ O “Umawit kayo at tumugtog para.”
^ O “minamahal.”
^ O “singaw.”
^ O posibleng “agusan.”
^ O “pangalan.” Lit., “alaala.”
^ O “usapin ng bayan.”