Mga Awit 142:1-7

Maskil.* Awit ni David noong nasa kuweba siya.+ Isang panalangin. 142  Humingi ako ng tulong kay Jehova;+Nagmakaawa ako kay Jehova para sa habag niya.   Sa harap niya ay ibinubuhos ko ang ikinababahala ko;Sa harap niya ay sinasabi ko ang tungkol sa pagdurusa ko+   Nang panghinaan ako ng loob.* At binantayan mo ang daan ko.+ Sa landas na nilalakaran koAy nag-umang sila ng bitag para sa akin.   Tumingin ka sa kanan koAt makikita mong walang nagmamalasakit* sa akin.+ Wala akong matakasan;+Walang nag-aalala sa akin.   Humihingi ako sa iyo ng tulong, O Jehova. Sinasabi ko: “Ikaw ang kanlungan ko,+Ang tanging pag-asa ko* sa mundong ito.”   Pakinggan mo ang paghingi ko ng tulong,Dahil nasa matinding kagipitan ako. Iligtas mo ako sa mga mang-uusig,+Dahil mas malakas sila kaysa sa akin.   Ilabas mo ako sa bartolinaPara purihin ang pangalan mo. Palibutan nawa ako ng mga matuwid,Dahil mabait ka sa akin.

Talababa

Tingnan sa Glosari.
Lit., “espiritu.”
Lit., “kumikilala.”
Lit., “Ang bahagi ko.”

Study Notes

Media