Mga Awit 145:1-21
Papuri ni David.
א [Alep]
145 Dadakilain kita, O aking Diyos na Hari,+Pupurihin ko ang pangalan mo magpakailanman.+
ב [Bet]
2 Buong araw kitang pupurihin;+Pupurihin ko ang pangalan mo magpakailanman.+
ג [Gimel]
3 Si Jehova ay dakila at lubhang karapat-dapat purihin;+Hindi maaabot ng isip ang kadakilaan niya.+
ד [Dalet]
4 Pupurihin ng lahat ng henerasyon ang mga gawa mo;Sasabihin nila ang tungkol sa iyong makapangyarihang mga gawa.+
ה [He]
5 Ihahayag nila ang maluwalhating karilagan ng iyong kadakilaan+At bubulay-bulayin ko ang kamangha-mangha mong mga gawa.
ו [Waw]
6 Magsasalita sila tungkol sa kagila-gilalas mong mga gawa,*At ihahayag ko ang kadakilaan mo.
ז [Zayin]
7 Mag-uumapaw sila sa pasasalamat habang inaalaala ang saganang kabutihan mo,+At hihiyaw sila sa kagalakan dahil sa iyong katuwiran.+
ח [Het]
8 Si Jehova ay mapagmalasakit* at maawain,+Hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig.+
ט [Tet]
9 Si Jehova ay mabuti sa lahat,+At ang habag niya ay makikita sa lahat ng ginagawa niya.
י [Yod]
10 Luluwalhatiin ka ng lahat ng iyong gawa, O Jehova,+At pupurihin ka ng mga tapat sa iyo.+
כ [Kap]
11 Ihahayag nila ang kaluwalhatian ng iyong paghahari,+At magsasalita sila tungkol sa iyong kalakasan,+
ל [Lamed]
12 Para ipaalám sa mga tao ang makapangyarihan mong mga gawa+At ang maluwalhating karilagan ng iyong paghahari.+
מ [Mem]
13 Ang paghahari mo ay walang hanggan,At ang pamumuno mo ay magpapatuloy sa lahat ng henerasyon.+
ס [Samek]
14 Inaalalayan ni Jehova ang lahat ng nabubuwal+At itinatayo ang lahat ng nakayukod.+
ע [Ayin]
15 Sa iyo umaasa ang lahat;Binibigyan mo sila ng pagkain sa tamang panahon.+
פ [Pe]
16 Binubuksan mo ang iyong kamayAt ibinibigay ang inaasam ng bawat bagay na may buhay.+
צ [Tsade]
17 Si Jehova ay matuwid sa lahat ng kaniyang daan+At tapat sa lahat ng ginagawa niya.+
ק [Kop]
18 Si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya,+Sa lahat ng tumatawag sa kaniya nang may katapatan.*+
ר [Res]
19 Ibinibigay niya ang naisin ng mga natatakot sa kaniya;+Dinirinig niya ang paghingi nila ng tulong, at inililigtas niya sila.+
ש [Shin]
20 Binabantayan ni Jehova ang lahat ng umiibig sa kaniya,+Pero ang lahat ng masasama ay lilipulin niya.+
ת [Taw]
21 Pupurihin ng aking bibig si Jehova;+Purihin nawa ng lahat ng nabubuhay* ang banal na pangalan niya magpakailanman.+
Talababa
^ O “kagila-gilalas mong kapangyarihan.”
^ O “magandang-loob.”
^ O “sa katotohanan.”
^ Lit., “laman.”