Mga Awit 15:1-5
Awit ni David.
15 O Jehova, sino ang puwedeng maging panauhin sa iyong tolda?
Sino ang puwedeng tumira sa iyong banal na bundok?+
2 Ang taong may malinis na pamumuhay,*+Gumagawa ng tama,+At nagsasabi ng totoo sa puso niya.+
3 Hindi siya naninirang-puri,+Hindi siya gumagawa ng masama sa kapuwa niya,+At hindi niya sinisiraan* ang mga kaibigan niya.+
4 Itinatakwil niya ang sinumang kasuklam-suklam,+Pero pinararangalan niya ang mga natatakot kay Jehova.
Hindi siya sumisira sa pangako,* kahit pa makasamâ ito sa kaniya.+
5 Hindi siya nagpapautang nang may patubo,+At hindi siya tumatanggap ng suhol laban sa walang kasalanan.+
Ang gayong tao ay hindi matitinag.*+