Mga Awit 17:1-15
Panalangin ni David.
17 Dinggin mo ang paghingi ko ng katarungan, O Jehova;Bigyang-pansin mo ang paghingi ko ng tulong;Pakinggan mo ang panalangin kong walang pagkukunwari.+
2 Magbigay ka nawa ng makatarungang hatol alang-alang sa akin;+Makita nawa ng iyong mata ang tama.
3 Sinuri mo ang puso ko, sinuri mo ako sa gabi;+Dinalisay mo ako;+Makikita mong hindi ako nagplano ng anumang masama,At ang bibig ko ay hindi nagkasala.
4 Di-gaya ng ginagawa ng iba,Hindi ko tinutularan ang mga magnanakaw, dahil sa iyong salita.+
5 Manatili nawa sa iyong mga daan ang mga paa koPara hindi ako matalisod.+
6 Tumatawag ako sa iyo, dahil alam kong sasagutin mo ako,+ O Diyos.
Dinggin mo ako.* Pakinggan mo ang sinasabi ko.+
7 Ipakita mo ang iyong tapat na pag-ibig sa kamangha-manghang paraan,+O Tagapagligtas ng mga tumatakas sa mga nagrerebelde sa iyoAt nanganganlong sa iyong kanang kamay.
8 Ingatan mo akong gaya ng itim ng iyong mata;+Itago mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak.+
9 Bantayan mo ako mula sa masasamang sumasalakay sa akin.
Mula sa mortal kong mga kaaway na nakapalibot sa akin.+
10 Naging manhid sila;*Nagsasalita sila nang may kayabangan;
11 Ngayon ay sinusukol nila kami;+Humahanap sila ng pagkakataong pabagsakin kami.
12 Ang kaaway ay gaya ng leon na sabik manlapa ng biktima,Gaya ng leon na nakatago at nag-aabang.
13 O Jehova, harapin mo siya+ at pabagsakin;Iligtas mo ako sa masama gamit ang iyong espada;
14 O Jehova, iligtas mo ako sa pamamagitan ng iyong kamayMula sa mga tao sa mundong* ito, na nabubuhay lang para sa kasalukuyan,*+Na binubusog mo ng mabubuting bagay+At nag-iiwan ng mana sa marami nilang anak.
15 Pero ako, makikita ko ang iyong mukha dahil ginagawa ko ang tama;Kontento akong magising na kasama ka.*+
Talababa
^ O “Yumuko ka at makinig sa akin.”
^ O “Nababalot sila ng sariling taba.”
^ O “sistemang.”
^ O “na ang mana ay nasa buhay na ito.”
^ O “makita ang iyong anyo.”