Mga Awit 19:1-14
Sa direktor. Awit ni David.
19 Ang langit ay naghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos;+Inihahayag ng kalawakan ang gawa ng mga kamay niya.+
2 Araw-araw ay nagsasalita sila,Gabi-gabi ay nagsisiwalat sila ng kaalaman.
3 Walang pangungusap o mga salita;Hindi maririnig ang tinig nila.
4 Pero nakarating sa buong lupa ang tunog* nila,At sa mga dulo ng lupa* ang mensahe nila.+
Sa langit ay nagtayo siya ng tolda para sa araw;
5 Para itong bagong-kasal na lalaki na lumalabas sa silid niya;Nagsasaya itong gaya ng isang malakas na lalaking tumatakbo sa takbuhan.
6 Lumalabas ito mula sa isang dulo ng langit,At umiikot ito hanggang sa kabilang dulo;+At walang makapagtatago sa init nito.
7 Ang kautusan ni Jehova ay perpekto,+ nagbabalik ng lakas.+
Ang paalaala ni Jehova ay mapagkakatiwalaan,+ nagpaparunong sa walang karanasan.+
8 Ang mga utos ni Jehova ay matuwid, nagpapasaya ng puso;+Ang batas ni Jehova ay malinis, nagbibigay ng liwanag sa mga mata.+
9 Ang pagkatakot kay Jehova+ ay dalisay, mananatili magpakailanman.
Ang mga kahatulan ni Jehova ay totoo; ang lahat ng iyon ay matuwid.+
10 Mas kanais-nais ang mga iyon kaysa sa ginto,Kaysa sa maraming purong* ginto,+At mas matamis kaysa sa pulot-pukyutan+ na tumutulo mula sa bahay-pukyutan.
11 Nagbibigay ang mga iyon ng babala sa lingkod mo;+Sa pagsunod sa mga iyon ay may malaking gantimpala.+
12 Sino ang makaaalam sa sarili niyang mga pagkakamali?+
Patawarin mo ako sa mga kasalanang hindi ko alam na nagawa ko.
13 At pigilan mo ang lingkod mo sa paggawa ng kapangahasan;+Huwag mo itong hayaang manaig sa akin,+
Para ako ay maging walang kapintasan+At inosente sa malulubhang* kasalanan.
14 Ang pananalita ko at ang pagbubulay-bulay ng puso koAy maging kalugod-lugod nawa sa iyo,+ O Jehova na aking Bato+ at aking Manunubos.+
Talababa
^ O posibleng “pising panukat.”
^ O “mabungang lupain.”
^ O “dinalisay na.”
^ O “maraming.”