Mga Awit 21:1-13

Sa direktor. Awit ni David. 21  O Jehova, nagsasaya ang hari dahil sa iyong lakas;+Lubos siyang nagsasaya dahil sa iyong pagliligtas!+   Ibinigay mo sa kaniya ang gusto ng puso niya,+At hindi mo ipinagkait ang kahilingan ng mga labi niya. (Selah)   Dahil sagana mo siyang pinagpala;Nilagyan mo ang ulo niya ng koronang yari sa purong* ginto.+   Humingi siya sa iyo ng buhay, at ibinigay mo iyon sa kaniya,+Isang mahabang buhay, walang-hanggang buhay.   Ang pagliligtas mo ay nagbigay sa kaniya ng dakilang kaluwalhatian.+ Binigyan mo siya ng karangalan at karilagan.   Pagpapalain mo siya magpakailanman;+Pinasasaya mo siya dahil sa iyong presensiya.*+   Ang hari ay nagtitiwala kay Jehova;+Dahil sa tapat na pag-ibig ng Kataas-taasan, hindi siya matitinag.*+   Mahuhuli ng kamay mo ang lahat ng kaaway mo;Mahuhuli ng kanang kamay mo ang mga napopoot sa iyo.   Gagawin mo silang gaya ng nagniningas na hurno sa takdang panahon ng pagdating mo. Dahil sa galit ay lalamunin sila ni Jehova, at tutupukin sila ng apoy.+ 10  Pupuksain mo ang mga inapo* nila sa lupa,At ang mga supling nila mula sa mga anak ng tao. 11  Dahil gusto ka nilang gawan ng masama;+Gumawa sila ng mga pakanang hindi magtatagumpay.+ 12  Dahil mapauurong mo sila+Kapag itinutok mo sa kanila* ang iyong pana.* 13  O Jehova, ipakita mo ang iyong lakas. Aawit kami ng mga papuri* sa iyong kalakasan.

Talababa

O “dinalisay na.”
Lit., “mukha.”
O “susuray.”
Lit., “ang bunga.”
Lit., “mukha nila.”
Lit., “bagting ng pana.”
Lit., “Aawit kami at tutugtog para.”

Study Notes

Media