Mga Awit 23:1-6
Awit ni David.
23 Si Jehova ang aking Pastol.+
Hindi ako magkukulang ng anuman.+
2 Pinahihiga niya ako sa madamong mga pastulan;Inaakay niya ako sa mga pahingahan na may saganang tubig.*+
3 Pinagiginhawa niya ako.+
Inaakay niya ako sa matuwid na mga landas alang-alang sa pangalan niya.+
4 Kahit na lumalakad ako sa napakadilim na lambak,+Hindi ako natatakot+Dahil kasama kita;+Panatag ang loob ko dahil sa iyong pamalo at tungkod.
5 Ipinaghahanda mo ako ng maraming pagkain* sa harap ng mga kaaway ko.+
Nilagyan* mo ng langis ang aking ulo;+Punong-puno ang aking kopa.+
6 Sa buong buhay ko, madarama ko ang kabutihan mo at tapat na pag-ibig,+At maninirahan ako sa bahay ni Jehova habang nabubuhay ako.+