Mga Awit 28:1-9
Awit ni David.
28 Patuloy akong tumatawag sa iyo, O Jehova na aking Bato;+Pakinggan mo ako.
Kung mananahimik ka,Magiging gaya ako ng mga bumababa sa hukay.*+
2 Pakinggan mo ang paghingi ko sa iyo ng tulongHabang itinataas ko ang mga kamay ko nang nakaharap sa kaloob-loobang silid ng iyong santuwaryo.+
3 Huwag mo akong kaladkaring kasama ng masasama, ng mga gumagawa ng nakapipinsala,+Ng mga mabait makipag-usap* sa kapuwa pero masama ang nasa puso.+
4 Pagbayarin mo sila sa ginagawa nila,+Sa kasamaan nila.
Singilin mo sila sa ginagawa ng kanilang kamay;Gantihan mo sila sa mga gawa nila.+
5 Dahil hindi nila binibigyang-pansin ang mga ginagawa ni Jehova+At ang mga gawa ng mga kamay niya.+
Ibabagsak niya sila at hindi itatayo.
6 Purihin nawa si Jehova,Dahil dininig niya ang paghingi ko ng tulong.
7 Si Jehova ang aking lakas+ at aking kalasag;+Sa kaniya nagtitiwala ang puso ko.+
Tinulungan niya ako, at nagsasaya ang puso ko,Kaya pupurihin ko siya ng aking awit.
8 Si Jehova ang lakas ng bayan niya;Siya ay isang moog na nagliligtas sa kaniyang pinili.*+
9 Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo ang iyong mana.+
Pastulan mo sila at buhatin sa iyong bisig magpakailanman.+