Mga Awit 29:1-11
Awit ni David.
29 Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya, kayong mga anak ng malalakas,Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya dahil sa kaniyang kaluwalhatian at lakas.+
2 Ibigay ninyo kay Jehova ang kaluwalhatiang nararapat sa pangalan niya.
Yumukod* kayo kay Jehova nang may banal na kasuotan.*
3 Ang tinig ni Jehova ay naririnig mula sa ibabaw ng mga tubig;Ang tinig ng maluwalhating Diyos ay gaya ng kulog.+
Si Jehova ay nasa ibabaw ng maraming tubig.+
4 Ang tinig ni Jehova ay makapangyarihan;+Ang tinig ni Jehova ay marilag.
5 Ang tinig ni Jehova ay bumabali ng mga sedro;Oo, dinudurog ni Jehova ang mga sedro ng Lebanon.+
6 Pinalulukso niya ang Lebanon* na parang guya,*At ang Sirion+ na gaya ng batang torong-gubat.
7 Ang tinig ni Jehova ay humahampas na may mga liyab ng apoy;+
8 Pinanginginig ng tinig ni Jehova ang ilang;+Pinanginginig ni Jehova ang ilang ng Kades.+
9 Dahil sa tinig ni Jehova, ang mga usa ay nanginginig at napapaanak,At nakakalbo ang kagubatan.+
At ang lahat sa templo niya ay nagsasabi: “Kaluwalhatian!”
10 Nakaupo si Jehova sa kaniyang trono sa ibabaw ng delubyo;*+Nakaluklok si Jehova bilang Hari magpakailanman.+
11 Bibigyan ni Jehova ng lakas ang bayan niya.+
Pagpapalain ni Jehova ng kapayapaan ang bayan niya.+
Talababa
^ O “Sumamba.”
^ O posibleng “dahil sa karilagan ng kabanalan niya.”
^ Malamang na ang bulubundukin ng Lebanon.
^ O “batang baka.”
^ O “karagatan sa langit.”