Mga Awit 3:1-8

Awit ni David noong tumatakas siya mula sa anak niyang si Absalom.+ 3  O Jehova, bakit napakarami kong kaaway?+ Bakit napakaraming lumalaban sa akin?+   Sinasabi ng marami tungkol sa akin: “Hindi siya ililigtas ng Diyos.”+ (Selah)*   Pero ikaw, O Jehova, ay isang kalasag sa palibot ko,+Ang kaluwalhatian ko+ at ang nagtataas ng aking ulo.+   Tatawag ako nang malakas kay Jehova,At sasagutin niya ako mula sa kaniyang banal na bundok.+ (Selah)   Hihiga ako at matutulog;At gigising ako nang panatag,Dahil patuloy akong tinutulungan ni Jehova.+   Hindi ako natatakot sa sampu-sampung liboNa nakaabang laban sa akin sa lahat ng panig.+   Kumilos ka, O Jehova! Iligtas mo ako,+ O Diyos ko! Susuntukin mo sa panga ang lahat ng kaaway ko;Babasagin mo ang mga ngipin ng masasama.+   Si Jehova ang tagapagligtas.+ Pinagpapala mo ang iyong bayan. (Selah)

Talababa

Tingnan sa Glosari.

Study Notes

Media