Mga Awit 31:1-24

Sa direktor. Awit ni David. 31  O Jehova, nanganganlong ako sa iyo.+ Huwag nawa akong mapahiya.+ Iligtas mo ako dahil matuwid ka.+  2  Pakinggan mo ako.* Puntahan mo ako agad at iligtas.+ Maging bundok na kanlungan ka para sa akin,Isang tanggulan na magliligtas sa akin.+  3  Dahil ikaw ang aking malaking bato at ang aking moog;+Alang-alang sa pangalan mo,+ aakayin mo ako at gagabayan.+  4  Palalayain mo ako mula sa lambat na ipinambitag nila sa akin,+Dahil ikaw ang aking tanggulan.+  5  Ipinagkakatiwala ko ang buhay* ko sa kamay mo.+ Tinubos mo ako, O Jehova na Diyos ng katotohanan.*+  6  Napopoot ako sa mga sumasamba sa walang-silbing mga idolo,Pero ako, kay Jehova ako nagtitiwala.  7  Lubos akong magsasaya dahil sa iyong tapat na pag-ibig,Dahil nakita mo ang pagdurusa ko;+Alam mo ang paghihirap ng kalooban ko.  8  Hindi mo ako ibinigay sa kaaway,Pinatayo mo ako sa ligtas* na lugar.  9  Maawa ka sa akin, O Jehova, dahil nagdurusa ako. Dahil sa pagdadalamhati ay nanghina ang mga mata ko,+ pati ang buong katawan ko.+ 10  Ang buhay ko ay punô ng pamimighati,+At nauubos sa pagdaing ang mga taon ko.+ Nauubos ang lakas ko dahil sa pagkakamali ko;Nanghihina ang mga buto ko.+ 11  Hinahamak ako ng lahat ng kalaban ko,+Lalo na ng mga kapitbahay ko. At natatakot sa akin ang mga kakilala ko;Kapag nakikita nila ako sa labas, agad nila akong nilalayuan.+ 12  Inalis nila ako sa puso* nila at kinalimutan na para bang patay na ako;Para akong basag na banga. 13  Marami akong naririnig na paninirang-puri;Nakapangingilabot ang buong paligid.+ Kapag nagsasama-sama sila laban sa akin,Nagpapakana silang patayin ako.+ 14  Pero nagtitiwala ako sa iyo, O Jehova.+ Sinasabi ko: “Ikaw ang Diyos ko.”+ 15  Nasa kamay mo ang buhay* ko. Iligtas mo ako sa kamay ng mga kaaway ko at ng mga umuusig sa akin.+ 16  Pasinagin mo ang iyong mukha sa lingkod mo.+ Iligtas mo ako dahil sa iyong tapat na pag-ibig. 17  O Jehova, huwag nawa akong mapahiya kapag tumatawag ako sa iyo.+ Mapahiya nawa ang masasama;+Manahimik nawa sila sa Libingan.*+ 18  Matahimik nawa ang mga labing sinungaling,+Ang mga labing nagmamataas at nanghahamak sa mga matuwid. 19  Napakasagana ng iyong kabutihan!+ Inilalaan mo iyon sa mga may takot sa iyo,+At ipinakita mo iyon sa mga nanganganlong sa iyo, sa harap ng lahat ng tao.+ 20  Itatago mo sila sa lihim na lugar ng iyong presensiya+Mula sa masamang plano ng mga tao;Itatago mo sila sa iyong kanlunganMula sa mga nagsasalita ng nakasasakit.*+ 21  Purihin nawa si Jehova,Dahil ipinakita niya sa akin ang kaniyang kamangha-mangha at tapat na pag-ibig+ sa isang lunsod na sinasalakay.+ 22  Takot na takot ako noon at sinabi ko: “Mamamatay ako sa harap mo.”+ Pero dininig mo ang paghingi ko ng tulong nang tumawag ako sa iyo.+ 23  Ibigin ninyo si Jehova, kayong lahat na tapat sa kaniya!+ Iniingatan ni Jehova ang mga tapat,+Pero pinagbabayad niya nang malaki ang sinumang nagmamataas.+ 24  Lakasan ninyo ang inyong loob, at maging matatag nawa ang inyong puso,+Lahat kayo na naghihintay kay Jehova.+

Talababa

O “Yumuko ka at makinig sa akin.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
O “na tapat na Diyos.”
O “maluwang.”
O “isip.”
Lit., “mga panahon.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “Mula sa pang-aaway ng mga dila.”

Study Notes

Media