Mga Awit 32:1-11

Awit ni David. Maskil.* 32  Maligaya ang taong pinagpaumanhinan sa pagkakamali niya, na ang kasalanan ay tinakpan.*+  2  Maligaya ang taong sa paningin ni Jehova ay hindi nagkasala+At hindi mapanlinlang.  3  Nang manahimik ako, nanghina ang mga buto ko dahil sa paghihirap ng loob ko buong araw.+  4  Dahil sa araw at gabi ay mabigat ang kamay mo* sa akin.+ Ang lakas ko ay gaya ng tubig na natuyo sa init ng tag-araw. (Selah)  5  Sa wakas ay ipinagtapat ko sa iyo ang kasalanan ko;Hindi ko itinago ang pagkakamali ko.+ Sinabi ko: “Ipagtatapat ko kay Jehova ang mga kasalanan ko.”+ At pinatawad mo ang mga pagkakamali ko.+ (Selah)  6  Kaya bawat tapat ay mananalangin sa iyo+Habang matatagpuan ka pa.+ Dumating man ang baha, hindi siya aabutan nito.  7  Ikaw ay isang lugar na mapagtataguan ko;Poprotektahan mo ako sa kagipitan.+ Papalibutan mo ako ng mga hiyaw ng kagalakan dahil sa iyong pagliligtas.+ (Selah)  8  “Bibigyan kita ng kaunawaan at ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran.+ Papayuhan kita habang nakatingin ako sa iyo.+  9  Huwag kayong maging gaya ng kabayo o mula,* na hindi nakakaintindi,+Na ang sigla ay kailangang kontrolin ng renda o panaliBago ito lumapit sa iyo.” 10  Dumaranas ng maraming kirot ang masama;Pero ang nagtitiwala kay Jehova ay napapalibutan ng Kaniyang tapat na pag-ibig.+ 11  Magsaya kayo dahil kay Jehova at magalak, kayong mga matuwid;Humiyaw kayo sa kagalakan, lahat kayo na tapat ang puso.

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “pinatawad.”
O “ay hindi ka nalulugod.”
Anak ng kabayo at asno.

Study Notes

Media