Mga Awit 34:1-22
Awit ni David, noong magkunwari siyang baliw+ sa harap ni Abimelec, na nagtaboy sa kaniya, at umalis siya.
א [Alep]
34 Pupurihin ko si Jehova sa lahat ng panahon;Lagi siyang pupurihin ng mga labi ko.
ב [Bet]
2 Ipagmamalaki ko si Jehova;+Maririnig ito ng maaamo at magsasaya sila.
ג [Gimel]
3 Dakilain natin si Jehova;+Sama-sama nating luwalhatiin ang pangalan niya.
ד [Dalet]
4 Nagtanong ako kay Jehova, at sinagot niya ako.+
Iniligtas niya ako sa lahat ng kinatatakutan ko.+
ה [He]
5 Maligaya ang mga nagtitiwala sa kaniya;Hindi sila mapapahiya.
ז [Zayin]
6 Ang kaawa-awa ay tumawag, at dininig siya ni Jehova.
Iniligtas Niya siya mula sa lahat ng kaniyang paghihirap.+
ח [Het]
7 Ang anghel ni Jehova ay nagkakampo sa palibot ng mga natatakot sa Kaniya,+At inililigtas niya sila.+
ט [Tet]
8 Subukin ninyo si Jehova at makikita ninyong mabuti siya;*+Maligaya ang taong nanganganlong sa kaniya.
י [Yod]
9 Matakot kayo kay Jehova, kayong lahat na mga banal niya,Dahil ang mga natatakot sa kaniya ay hindi nagkukulang ng anuman.+
כ [Kap]
10 Kahit ang malalakas na leon ay nagugutom;Pero ang mga humahanap kay Jehova ay hindi magkukulang ng anumang mabuti.+
ל [Lamed]
11 Halikayo, mga anak ko, makinig kayo sa akin;Ituturo ko sa inyo ang pagkatakot kay Jehova.+
מ [Mem]
12 Kung nasisiyahan ka sa buhayAt gusto mong magkaroon ng maraming maliligayang araw,+
נ [Nun]
13 Pigilan mo ang dila mo sa pagsasalita ng masama,+Ang mga labi mo sa pagsasalita ng panlilinlang.+
ס [Samek]
14 Talikuran mo ang masama at gawin ang mabuti;+Hanapin mo ang kapayapaan at itaguyod iyon.+
ע [Ayin]
15 Ang mga mata ni Jehova ay nakatingin sa mga matuwid,+At ang mga tainga niya ay nakikinig sa paghingi nila ng tulong.+
פ [Pe]
16 Pero si Jehova* ay laban sa mga gumagawa ng masama;Buburahin niya ang lahat ng alaala sa kanila sa lupa.+
צ [Tsade]
17 Dumaing sila, at nakinig si Jehova;+Iniligtas niya sila sa lahat ng kanilang paghihirap.+
ק [Kop]
18 Si Jehova ay malapit sa mga may pusong nasasaktan;+Inililigtas niya ang mga nasisiraan ng loob.*+
ר [Res]
19 Maraming paghihirap* ang matuwid,+Pero inililigtas siya ni Jehova sa lahat ng ito.+
ש [Shin]
20 Binabantayan niya ang lahat ng kaniyang buto;Walang isa man sa mga iyon ang nabali.+
ת [Taw]
21 Mamamatay sa kapahamakan ang masasama;Ang mga napopoot sa matuwid ay hahatulang nagkasala.
22 Tinutubos ni Jehova ang buhay ng mga lingkod niya;Walang sinumang nanganganlong sa kaniya ang hahatulang nagkasala.+
Talababa
^ Lit., “Tikman ninyo at tingnan na si Jehova ay mabuti.”
^ Lit., “ang mukha ni Jehova.”
^ Lit., “mga wasak ang espiritu.”
^ O “kapahamakan.”