Mga Awit 35:1-28

Awit ni David. 35  O Jehova, ipagtanggol mo ang kaso ko laban sa mga kaaway ko;+Makipaglaban ka sa mga nakikipaglaban sa akin.+  2  Kunin mo ang iyong pansalag* at malaking kalasag,+At ipagtanggol mo ako.+  3  Itaas mo ang iyong sibat at palakol na pandigma* laban sa mga humahabol sa akin.+ Sabihin mo sa akin: “Ako ang magliligtas sa iyo.”+  4  Mapahiya nawa at mawalan ng dangal ang mga nagtatangka sa buhay ko.+ Umurong nawa sa kahihiyan ang mga nagpaplanong pumatay sa akin.  5  Maging gaya nawa sila ng ipa sa hangin;Itaboy nawa sila ng anghel ni Jehova.+  6  Maging madilim nawa at madulas ang kanilang daanHabang tinutugis sila ng anghel ni Jehova.  7  Dahil nag-umang sila ng lambat para hulihin ako nang walang dahilan;Gumawa sila ng hukay para sa akin nang walang dahilan.  8  Bigla nawang dumating ang kapahamakan sa kaaway;Mahuli nawa siya sa lambat na iniumang niya;Mahulog nawa siya roon at mapuksa.+  9  Pero magsasaya ako dahil kay Jehova;Magagalak ako dahil sa pagliligtas niya. 10  Sasabihin ng lahat ng buto ko: “O Jehova, sino ang katulad mo? Inililigtas mo ang walang kalaban-laban mula sa mga mas malakas sa kaniya,+Ang mga walang kalaban-laban at ang mahihirap mula sa nagnanakaw sa kanila.”+ 11  Humaharap ang masasamang testigo+At nagtatanong sa akin ng mga bagay na hindi ko alam. 12  Masama ang iginaganti nila sa kabutihan ko,+Kaya nagdadalamhati ako. 13  Pero nang magkasakit sila, nagsuot ako ng telang-sako;Nagpakababa ako* at nag-ayuno,*At nang hindi sinasagot* ang panalangin ko, 14  Naglakad ako na parang nagdadalamhati sa isang kaibigan o kapatid;Nakayuko ako sa lungkot, na parang nagdadalamhati sa isang ina. 15  Pero nang matisod ako, nagsaya sila at nagsama-sama;Nagtipon sila at inabangan ako para pabagsakin;Niluray nila ako at hindi sila nanahimik. 16  Tinutuya ako ng mga di-makadiyos,*Nagngangalit ang mga ngipin nila laban sa akin.+ 17  O Jehova, hanggang kailan ka titingin na lang?+ Iligtas mo ako sa mga pagsalakay nila,+Ang mahalaga kong buhay* mula sa mga leon.+ 18  At pasasalamatan kita sa malaking kongregasyon;+Pupurihin kita sa gitna ng maraming tao. 19  Huwag nawang magsaya sa pagdurusa ko ang mga umaaway sa akin nang walang dahilan;Huwag mong hayaang kumindat nang may pang-iinsulto+ ang mga napopoot sa akin nang walang dahilan.+ 20  Dahil hindi sila bumibigkas ng mga salita ng kapayapaan,Kundi nanlilinlang at nagpaplano ng masama laban sa mapayapang mga tao sa lupain.+ 21  Ibinubuka nila nang malaki ang bibig nila at inaakusahan ako;Sinasabi nila: “Aha! Aha! Nakita namin iyon.” 22  Nakita mo ito, O Jehova. Huwag kang manatiling tahimik.+ O Jehova, huwag kang manatiling malayo sa akin.+ 23  Gumising ka at ipagtanggol mo ako,O Diyos ko, Jehova, ipagtanggol mo ako sa kaso ko. 24  Hatulan mo ako ayon sa iyong katuwiran,+ O Jehova na aking Diyos;Huwag mo silang hayaang magsaya sa pagdurusa ko. 25  Huwag nawa nilang masabi sa sarili nila: “Aha! Nakuha namin ang gusto namin!” Huwag nawa nilang masabi: “Nilamon namin siya.”+ 26  Mapahiya nawa at mawalan ng dangalAng lahat ng nagsasaya sa kapahamakan ko. Mabalot nawa ng kahihiyan ang mga nagmamataas sa akin. 27  Pero humiyaw nawa sa kagalakan ang mga nalulugod sa pagiging matuwid ko;Lagi nawa nilang sabihin: “Dakilain nawa si Jehova, na nalulugod sa kapayapaan ng lingkod niya.”+ 28  Ang aking dila naman ay maghahayag* ng iyong katuwiran+At pupuri sa iyo buong araw.+

Talababa

Maliit na kalasag na karaniwang dala ng mga mamamanà.
O “palakol na kabilaan ang talim.”
O “nang bumalik sa dibdib ko.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Pag-aayuno.”
O posibleng “Nanghahamak ang mga di-makadiyos para sa isang piraso ng tinapay.”
Lit., “Ang kaisa-isa ko,” na tumutukoy sa buhay niya.
O “magbubulay-bulay.”

Study Notes

Media