Mga Awit 36:1-12

Sa direktor. Awit ni David na lingkod ni Jehova. 36  Ang pagsuway ay nakikipag-usap sa masama mula sa kaloob-looban ng puso niya;Hindi siya natatakot sa Diyos.+  2  Labis ang paghanga niya sa sarili,Kaya hindi niya nakikita at hindi niya kinapopootan ang pagkakamali niya.+  3  Ang mga salita ng bibig niya ay nakasasakit at mapandaya;Wala siyang kaunawaan para gawin ang mabuti.  4  Nagpaplano siya ng masama kahit nasa higaan siya. Desidido siyang tumahak sa landas na hindi mabuti;Hindi niya itinatakwil ang kasamaan.  5  O Jehova, ang iyong tapat na pag-ibig ay umaabot sa langit,+Ang katapatan mo ay hanggang sa mga ulap.  6  Ang katuwiran mo ay tulad ng mariringal na bundok;*+Ang mga kahatulan mo ay gaya ng malawak at malalim na karagatan.+ Iniingatan* mo ang tao at hayop, O Jehova.+  7  Napakahalaga ng iyong tapat na pag-ibig, O Diyos!+ Sa lilim ng iyong mga pakpak nanganganlong ang mga anak ng tao.+  8  Nabubusog sila sa saganang pagkain sa* bahay mo,+At pinaiinom mo sila sa iyong ilog ng kasiyahan.+  9  Nasa iyo ang bukal ng buhay;+Sa pamamagitan ng liwanag mo ay nakakakita kami ng liwanag.+ 10  Patuloy mong ipakita ang iyong tapat na pag-ibig sa mga nakakakilala sa iyo,+At ang iyong katuwiran sa mga matuwid ang puso.+ 11  Huwag mong hayaang tapakan ako ng paa ng mapagmataasO itaboy ng kamay ng masasama. 12  Bumagsak ang mga gumagawa ng masama;Pinabagsak sila at hindi na makabangon.+

Talababa

Lit., “tulad ng mga bundok ng Diyos.”
O “Inililigtas.”
Lit., “sa katabaan ng.”

Study Notes

Media