Mga Awit 37:1-40
Awit ni David.
א [Alep]
37 Huwag kang magalit* dahil sa masasamang taoO mainggit sa mga gumagawa ng masama.+
2 Mabilis silang matutuyot na gaya ng damo+At mangunguluntoy na gaya ng berdeng damo.
ב [Bet]
3 Magtiwala ka kay Jehova at gawin mo ang mabuti;+Tumira ka sa lupa* at maging tapat.+
4 Magkaroon ka ng masidhing kasiyahan kay Jehova,At ibibigay niya sa iyo ang mga kahilingan ng puso mo.
ג [Gimel]
5 Ipagkatiwala* mo kay Jehova ang landasin mo;+Manalig ka sa kaniya, at siya ang kikilos para sa iyo.+
6 Pasisinagin niya ang iyong katuwiran na gaya ng bukang-liwayway,At ang iyong katarungan na gaya ng araw sa tanghaling-tapat.
ד [Dalet]
7 Manatili kang tahimik sa harap ni Jehova+At hintayin mo siya nang may pananabik.*
Huwag kang magalit sa taongNagtatagumpay sa mga pakana niya.+
ה [He]
8 Alisin mo ang galit at huwag ka nang magngalit;+Huwag kang mayamot at gumawa ng masama.*
9 Dahil ang masasama ay lilipulin,+Pero ang mga umaasa kay Jehova ang magmamay-ari ng lupa.+
ו [Waw]
10 Kaunting panahon na lang at ang masasama ay mawawala na;+Titingnan mo ang dati nilang kinaroroonan,Pero hindi mo sila makikita roon.+
11 Pero ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa,+At mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa lubos na kapayapaan.+
ז [Zayin]
12 Ang masama ay nagpapakana laban sa matuwid;+Nagngangalit ang mga ngipin niya rito.
13 Pero pagtatawanan siya ni Jehova,Dahil alam Niyang darating ang araw niya.+
ח [Het]
14 Hinuhugot ng masasama ang mga espada nila at binabaluktot* ang mga pana nilaPara pabagsakin ang mga naaapi at ang mga dukha,Para patayin ang mga namumuhay nang matuwid.
15 Pero ang sarili nilang espada ang tatarak sa puso nila;+Mababali ang mga pana nila.
ט [Tet]
16 Mas mabuti ang kaunti ng taong matuwidKaysa sa kasaganaan ng maraming masasama.+
17 Dahil ang mga bisig ng masasama ay mababali,Pero aalalayan ni Jehova ang mga matuwid.
י [Yod]
18 Alam ni Jehova ang pinagdadaanan* ng mga walang pagkukulang,At ang mana nila ay mananatili magpakailanman.+
19 Hindi sila mapapahiya sa panahon ng kapahamakan;Marami silang makakain sa panahon ng taggutom.
כ [Kap]
20 Pero ang masasama ay malilipol;+Ang mga kaaway ni Jehova ay maglalahong gaya ng kagandahan ng mga pastulan;Maglalaho silang gaya ng usok.
ל [Lamed]
21 Ang masama ay nanghihiram at hindi nagbabayad,Pero ang matuwid ay bukas-palad* at mapagbigay.+
22 Ang mga pinagpapala Niya ang magmamay-ari ng lupa,Pero ang mga isinusumpa Niya ay lilipulin.+
מ [Mem]
23 Ginagabayan* ni Jehova ang mga hakbang ng isang tao+Kapag nalulugod siya sa landasin nito.+
24 Mabuwal man siya, hindi siya susubsob,+Dahil inaalalayan siya ni Jehova sa kamay.*+
נ [Nun]
25 Bata ako noon, at ngayon ay matanda na,Pero wala pa akong nakitang matuwid na pinabayaan,+At wala akong nakitang anak niya na namamalimos ng tinapay.*+
26 Lagi siyang nagpapahiram nang maluwag sa loob,+At pagpapalain ang mga anak niya.
ס [Samek]
27 Talikuran mo ang masama at gawin mo ang mabuti,+At maninirahan ka sa lupa magpakailanman.
28 Dahil iniibig ni Jehova ang katarungan,At hindi niya iiwan ang mga tapat sa kaniya.+
ע [Ayin]
Palagi silang babantayan;+Pero ang mga inapo ng masasama ay lilipulin.+
29 Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa,+At titira sila roon magpakailanman.+
פ [Pe]
30 Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan,*At ang dila niya ay nagsasalita tungkol sa katarungan.+
31 Ang kautusan ng kaniyang Diyos ay nasa puso niya;+Hindi siya madudupilas.+
צ [Tsade]
32 Inaabangan ng masama ang matuwidDahil gusto niya itong patayin.
33 Pero hindi hahayaan ni Jehova na mahulog ang matuwid sa kamay niya,+At hindi Niya ito hahatulang nagkasala kapag dinala ito sa hukuman.+
ק [Kop]
34 Umasa ka kay Jehova at lumakad ka sa kaniyang daan,At itataas ka niya at mamanahin mo ang lupa.
Kapag nilipol ang masasama,+ makikita mo iyon.+
ר [Res]
35 Nakakita ako ng malupit at masamang taoNa gaya ng isang mayabong na puno sa lupang tinubuan nito.+
36 Pero bigla siyang pumanaw, at wala na siya;+Hinanap ko siya nang hinanap, pero hindi ko siya nakita.+
ש [Shin]
37 Masdan mo ang walang kapintasan,*At tingnan mo ang matuwid,+Dahil ang kinabukasan ng taong iyon ay magiging payapa.+
38 Pero ang lahat ng masuwayin* ay pupuksain;Walang kinabukasan ang masasamang tao.+
ת [Taw]
39 Si Jehova ang nagliligtas sa mga matuwid;+Siya ang tanggulan nila sa panahon ng pagdurusa.+
40 Tutulungan sila ni Jehova at ililigtas.+
Ililigtas niya sila mula sa masasama at sasagipin sila,Dahil nanganganlong sila sa kaniya.+
Talababa
^ O “mainis; mag-init.”
^ O “lupain.”
^ Lit., “Igulong.”
^ O “tiyaga.”
^ O posibleng “Huwag kang mayamot, dahil hahantong lang ito sa kapahamakan.”
^ O “nilalagyan ng bagting.”
^ Lit., “mga araw.”
^ O “nagpapakita ng kabaitan.”
^ O “Pinatatatag.”
^ O “gamit ang kamay Niya.”
^ O “pagkain.”
^ O “ay pabulong na bumibigkas ng karunungan.”
^ O “ang nananatiling tapat.”
^ O “lumalabag sa kautusan.”