Mga Awit 41:1-13

Sa direktor. Awit ni David. 41  Maligaya ang sinumang tumutulong sa dukha;*+Ililigtas siya ni Jehova sa araw ng kapahamakan.  2  Babantayan siya ni Jehova at pananatilihing buháy. Ipahahayag siyang maligaya sa lupa;+Hindi mo siya kailanman ibibigay sa kamay ng mga kaaway niya.+  3  Aalalayan siya ni Jehova sa banig ng karamdaman;+Sa panahong may sakit siya, papalitan mo ang buong higaan niya.  4  Sinabi ko: “O Jehova, maawa ka sa akin.+ Pagalingin mo ako,+ dahil nagkasala ako sa iyo.”+  5  Pero ang mga kaaway ko ay nagsasalita ng masama tungkol sa akin: “Kailan ba siya mamamatay at nang malimutan na siya?”  6  Kapag dumadalaw sa akin ang isa sa kanila, nagsisinungaling ito.* Naghahanap ito ng masasamang bagay na masasabi tungkol sa akin;Pagkatapos ay umaalis ito at ipinagkakalat iyon.  7  Nagbubulong-bulungan ang lahat ng napopoot sa akin;Nagpaplano sila ng masama laban sa akin, at sinasabi nila:  8  “May masamang nangyari sa kaniya;Ngayong bumagsak na siya, hindi na siya makababangon pa.”+  9  Maging ang taong malapít sa akin, na pinagtitiwalaan ko,+Na dating kumakaing kasama ko, ay kumalaban sa akin.*+ 10  Pero ikaw, O Jehova, maawa ka sa akin at ibangon mo ako,Para magantihan ko sila. 11  Malalaman kong nalulugod ka sa akin Kapag ang kaaway ko ay hindi nagtagumpay laban sa akin.+ 12  Tinulungan mo ako dahil sa katapatan ko;+Pananatilihin mo ako sa harap mo magpakailanman.+ 13  Purihin nawa si Jehova, ang Diyos ng Israel,Magpakailanman.*+ Amen at Amen.

Talababa

O “mahina.”
Lit., “ang puso nito.”
Lit., “Na dating kumakain ng tinapay ko, ay nagtaas ng sakong niya laban sa akin.”
O “Mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas.”

Study Notes

Media