Mga Awit 43:1-5
43 Hatulan mo ako, O Diyos,+Ipagtanggol mo ang kaso ko+ laban sa bansang hindi tapat.
Iligtas mo ako sa taong mapanlinlang at di-matuwid.
2 Dahil ikaw ang aking Diyos, ang aking tanggulan.+
Bakit mo ako itinakwil?
Bakit kailangan kong maglakad nang malungkot dahil sa pagpapahirap ng kaaway ko?+
3 Isugo mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan.+
Akayin nawa ako ng mga ito;+Gabayan nawa ako ng mga ito papunta sa iyong banal na bundok at sa iyong maringal na tabernakulo.+
4 At pupunta ako sa altar ng Diyos,+Sa Diyos, na labis na nagpapasaya sa akin.
At pupurihin kita gamit ang alpa,+ O Diyos, aking Diyos.
5 Bakit napakalungkot ko?
Bakit naghihirap ang kalooban ko?
Maghihintay ako sa Diyos,+Dahil pupurihin ko pa siya bilang aking Dakilang Tagapagligtas at aking Diyos.+