Mga Awit 46:1-11

Sa direktor. Awit ng mga anak ni Kora.+ Sa istilong Alamot.* 46  Ang Diyos ang ating kanlungan at lakas,+Handa siyang tumulong kapag may mga problema.+  2  Kaya hindi tayo matatakot, kahit may pagbabagong mangyari sa lupa,Kahit na gumuho ang mga bundok at lumubog sa pusod ng dagat,+  3  Kahit na ang tubig nito ay umugong at umalimbukay,+Kahit na umuga ang mga bundok dahil sa pagdaluyong nito. (Selah)  4  May sanga-sangang ilog na nagpapasaya sa lunsod ng Diyos,+Sa banal at maringal na tabernakulo ng Kataas-taasan.  5  Ang Diyos ay nasa lunsod;+ hindi ito maibabagsak. Tutulungan ito ng Diyos sa pagbubukang-liwayway.+  6  Ang mga bansa ay nagkagulo, ang mga kaharian ay bumagsak;Inilakas niya ang tinig niya, at ang lupa ay natunaw.+  7  Si Jehova ng mga hukbo ay kasama natin;+Ang Diyos ni Jacob ang ating ligtas na kanlungan.* (Selah)  8  Halikayo at masdan ninyo ang mga ginagawa ni Jehova,Ang kamangha-manghang mga bagay na ginagawa niya sa lupa.  9  Pinatitigil niya ang mga digmaan sa buong lupa.+ Binabali niya ang pana at dinudurog ang sibat;Sinusunog niya ang mga karwaheng pangmilitar.* 10  “Magpasakop kayo at kilalanin ninyo na ako ang Diyos. Dadakilain ako sa gitna ng mga bansa;+Dadakilain ako sa lupa.”+ 11  Si Jehova ng mga hukbo ay kasama natin;+Ang Diyos ni Jacob ang ating ligtas na kanlungan.+ (Selah)

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “ating mataas at ligtas na lugar.”
O posibleng “ang mga kalasag.”

Study Notes

Media