Mga Awit 48:1-14
Awit ng mga anak ni Kora.+
48 Si Jehova ay dakila at pinakakarapat-dapat sa papuriSa lunsod ng Diyos natin, sa kaniyang banal na bundok.
2 Ang Bundok Sion sa malayong hilaga,Ang lunsod ng Dakilang Hari,+Ay maganda at matayog at kagalakan ng buong lupa.+
3 Sa kaniyang matitibay na tore,Ipinaalám ng Diyos na siya ay isang ligtas na kanlungan.*+
4 Nagtipon-tipon* ang mga hari;Sama-sama silang umabante.
5 Nang makita nila ito, namangha sila.
Nataranta sila at tumakas sa sobrang takot.
6 Nanginig sila roon,Naghirap na gaya ng babaeng nanganganak.
7 Winawasak mo ang mga barko ng Tarsis sa pamamagitan ng hanging silangan.
8 Ang nabalitaan namin noon, nakikita na namin ngayonSa lunsod ni Jehova ng mga hukbo, sa lunsod ng aming Diyos.
Iingatan ito ng Diyos magpakailanman.+ (Selah)
9 Binubulay-bulay namin ang iyong tapat na pag-ibig, O Diyos,+Sa loob ng iyong templo.
10 Gaya ng pangalan mo, O Diyos,Ang papuri sa iyo ay umaabot sa mga dulo ng lupa.+
Ang kanang kamay mo ay punô ng katuwiran.+
11 Magsaya nawa ang Bundok Sion,+Magalak nawa ang mga bayan* ng Juda, dahil sa mga hatol mo.+
12 Maglakad kayo sa palibot ng Sion; ikutin ninyo ito;Bilangin ninyo ang mga tore nito.+
13 Tingnan ninyong mabuti ang mga tanggulan* nito.+
Suriin ninyo ang matitibay na tore nito,Para maikuwento ninyo ito sa susunod na mga henerasyon.
14 Dahil ang Diyos na ito ang Diyos+ natin magpakailanman.
Walang hanggan niya tayong papatnubayan.*+
Talababa
^ O “isang mataas at ligtas na lugar.”
^ O “Nagkita-kita ayon sa pinagkasunduan.”
^ Lit., “anak na babae.”
^ O “ang matitibay na pader.”
^ O posibleng “Papatnubayan niya tayo hanggang kamatayan.”