Mga Awit 49:1-20
Sa direktor. Awit ng mga anak ni Kora.+
49 Pakinggan ninyo ito, kayong mga bayan.
Magbigay-pansin kayo, kayong mga nakatira sa lupa,*
2 Ang nakabababa at ang nakatataas,*Ang mayayaman at ang mahihirap.
3 Magsasalita ako tungkol sa karunungan,At magbubulay-bulay ang puso ko+ tungkol sa kaunawaan.
4 Magbibigay-pansin ako sa isang kasabihan;Ipapaliwanag ko ang bugtong ko sa pamamagitan ng alpa.
5 Bakit ako matatakot kapag may mga problema,+Kapag napapalibutan ako ng kasamaan* ng mga nagsisikap magpabagsak sa akin?
6 Ang mga nagtitiwala sa mga pag-aari nila+At nagyayabang tungkol sa kanilang malaking kayamanan,+
7 Walang isa man sa kanila ang makatutubos sa kapatid niyaO makapagbibigay sa Diyos ng pantubos para sa kaniya,+
8 (Ang halaga ng pantubos para sa buhay nila ay napakamahal,Kaya hindi nila ito kailanman maibibigay);
9 Para mabuhay siya magpakailanman at hindi mapunta sa hukay.*+
10 Nakikita niya na kahit ang marurunong ay namamatay;Magkasamang namamatay ang mangmang at ang walang unawa,+At iiwan nila sa iba ang yaman nila.+
11 Gusto nilang tumagal magpakailanman ang mga bahay nila,Ang mga tolda nila sa sunod-sunod na henerasyon.
Tinawag nila sa kanilang pangalan ang mga lupain nila.
12 Pero ang tao, kahit may karangalan, ay hindi makapananatiling buháy;+Hindi siya nakahihigit sa mga hayop na namamatay.+
13 Ganiyan ang nangyayari sa mga mangmang+At sa mga sumusunod sa kanila, na nasisiyahan sa kanilang walang-saysay na pananalita. (Selah)
14 Sila ay nakatalaga sa Libingan* na gaya ng mga tupa;
Kamatayan ang magpapastol sa kanila;Ang matuwid ang magpupuno sa kanila+ sa umaga.
Walang bakas nila ang maiiwan;+Ang Libingan*+ ang magiging tahanan nila sa halip na isang palasyo.+
15 Pero tutubusin ako* ng Diyos mula sa kapangyarihan* ng Libingan,*+Kukunin niya ako at ililigtas. (Selah)
16 Huwag kang matakot kapag yumayaman ang isang tao,Kapag lalong nagiging marangya ang bahay niya,
17 Dahil kapag namatay siya, wala siyang madadalang anuman;+Ang karangyaan niya ay hindi bababang kasama niya.+
18 Dahil sa buong buhay niya ay pinupuri niya ang sarili niya.+
(Pinupuri ka ng mga tao kapag yumayaman ka.)+
19 Pero sa kalaunan ay sumasama siya sa henerasyon ng mga ninuno niya.
Hindi na nila muling makikita ang liwanag.
20 Ang taong hindi nakakaintindi nito, kahit may karangalan,+Ay hindi nakahihigit sa mga hayop na namamatay.
Talababa
^ O “sistemang ito.”
^ Lit., “Ang mga anak ng sangkatauhan at ang mga anak ng tao.”
^ Lit., “pagkakamali.”
^ O “libingan.”
^ Lit., “kamay.”