Mga Awit 51:1-19
Sa direktor. Awit ni David, nang puntahan siya ng propetang si Natan matapos sipingan ni David si Bat-sheba.+
51 Maawa ka sa akin, O Diyos, dahil sa iyong tapat na pag-ibig.+
Burahin mo ang mga pagkakasala ko dahil sa laki ng iyong awa.+
2 Lubusan mo akong hugasan sa pagkakamali ko,+At linisin mo ako sa kasalanan ko.+
3 Dahil alam na alam ko ang mga pagkakamali ko,At ang kasalanan ko ay laging nasa harap* ko.+
4 Laban sa iyo—higit sa lahat*— ay nagkasala ako;+Ginawa ko ang masama sa paningin mo.+
Kaya kapag nagsasalita ka, matuwid ka;Tama ang hatol mo.+
5 Ipinanganak akong makasalanan;Makasalanan na ako mula pa nang ipaglihi ng aking ina.+
6 Nalulugod ka sa katapatan ng puso;+Turuan mo ang puso ko ng tunay na karunungan.
7 Dalisayin mo ako mula sa kasalanan ko sa pamamagitan ng isopo, para maging malinis ako;+Hugasan mo ako, para maging mas maputi ako kaysa sa niyebe.+
8 Iparinig mo sa akin ang hiyaw ng kagalakan at pagsasaya,Para magsaya ang mga butong dinurog mo.+
9 Huwag mong tingnan ang mga kasalanan ko,+At pawiin* mo ang lahat ng pagkakamali ko.+
10 Dalisayin mo ang puso ko, O Diyos,+At bigyan mo ako ng bagong saloobin*+ na magpapatatag sa akin.
11 Huwag mo akong itaboy mula sa harap mo;At huwag mong alisin sa akin ang iyong banal na espiritu.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakang nadama ko nang iligtas mo ako;+Bigyan mo ako ng pagnanais na sundin ka.*
13 Ituturo ko sa mga masuwayin ang mga daan mo,+Para manumbalik sa iyo ang mga makasalanan.
14 Iligtas mo ako mula sa pagkakasala sa dugo,+ O Diyos, ang Diyos na aking tagapagligtas,+Para maihayag ko nang may kagalakan ang katuwiran mo.+
15 O Jehova, buksan mo ang mga labi ko,Para maihayag ko ang mga papuri sa iyo.+
16 Dahil hindi handog ang gusto mo—ibinigay ko na sana iyon sa iyo kung gusto mo;+Hindi ka nasisiyahan sa buong handog na sinusunog.+
17 Ang handog na nakalulugod sa Diyos ay isang bagbag na puso;*Ang pusong wasak at durog, O Diyos, ay hindi mo itatakwil.*+
18 Sa iyong kabutihang-loob ay gawin mo ang mabuti sa Sion;Patibayin mo ang mga pader ng Jerusalem.
19 Sa gayon ay malulugod ka sa handog ng mga matuwid,Sa mga haing sinusunog at mga buong handog;At mga toro ang ihahandog sa altar mo.+
Talababa
^ O “isip.”
^ Lit., “sa iyo lang.”
^ O “burahin.”
^ Lit., “espiritu.”
^ Lit., “Alalayan mo nawa ako ng isang nagkukusang espiritu.”
^ Lit., “isang wasak na espiritu.”
^ O “hahamakin.”