Mga Awit 52:1-9
Sa direktor. Maskil.* Awit ni David, nang dumating si Doeg na Edomita at magsabi kay Saul na pumunta si David sa bahay ni Ahimelec.+
52 Bakit mo ipinagyayabang ang masasama mong ginagawa, ikaw na makapangyarihan?+
Ang tapat na pag-ibig ng Diyos ay ipinapakita niya buong araw.+
2 Ang dila mong kasintalas ng labaha+Ay nagpapakana ng kapahamakan at nanlilinlang.+
3 Mas mahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan,Ang pagsisinungaling kaysa sa pagsasabi ng totoo. (Selah)
4 Iniibig mo ang bawat salitang nagpapahamak,O ikaw na dilang mapanlinlang!
5 Kaya ibabagsak ka ng Diyos at hindi ka na makababangon;+Kukunin ka niya at kakaladkarin palayo sa tolda mo;+Bubunutin ka niya mula sa lupain ng mga buháy.+ (Selah)
6 Makikita iyon ng mga matuwid at mamamangha sila,+At pagtatawanan nila siya.+
7 “Narito ang isang lalaki na hindi nanganlong sa* Diyos,+Kundi nagtiwala sa dami ng kayamanan niya+At umasa* sa sarili niyang masasamang pakana.”*
8 Pero ako ay magiging gaya ng mayabong na punong olibo sa bahay ng Diyos;Magtitiwala ako sa tapat na pag-ibig+ ng Diyos magpakailanman.
9 Pupurihin kita magpakailanman dahil sa ginawa mo;+Sa harap ng mga tapat sa iyo,Aasa ako sa pangalan mo,+ dahil ito ay mabuti.
Talababa
^ O “hindi ginawang tanggulan ang.”
^ O “nanganlong.”
^ Lit., “sa mga kapighatiang dulot niya.”