Mga Awit 56:1-13
Sa direktor; sa himig ng “Tahimik na Kalapati na Nasa Malayo.” Awit ni David. Miktam.* Nang mahuli siya ng mga Filisteo sa Gat.+
56 Kaawaan mo ako, O Diyos, dahil sinasalakay* ako ng hamak na tao.
Buong araw silang nakikipaglaban sa akin at inaapi nila ako.
2 Buong araw akong sinasalakay* ng mga kaaway ko;Maraming nakikipaglaban sa akin nang may kayabangan.
3 Kapag natatakot ako,+ sa iyo ako nagtitiwala.+
4 Sa Diyos—na ang salita ay pinupuri ko—Sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako natatakot.
Ano ang magagawa sa akin ng hamak na tao?*+
5 Buong araw nila akong pinahihirapan;Wala na silang inisip kundi ang saktan ako.+
6 Nagtatago sila para sumalakay;Binabantayan nila ang bawat hakbang ko,+At gusto nila akong patayin.+
7 Itakwil mo sila dahil napakasama nila.
Sa galit mo ay ibagsak mo ang mga bansa, O Diyos.+
8 Nakasubaybay ka sa aking pagpapagala-gala.+
Ipunin mo ang mga luha ko sa iyong sisidlang balat.+
Hindi ba nakasulat ang mga iyon sa aklat mo?+
9 Ang mga kaaway ko ay uurong sa araw na humingi ako ng tulong.+
Ito ang natitiyak ko: ang Diyos ay nasa panig ko.+
10 Sa Diyos—na ang salita ay pinupuri ko—Kay Jehova—na ang salita ay pinupuri ko—
11 Sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako natatakot.+
Ano ang magagawa sa akin ng hamak na tao?+
12 May mga panata ako sa iyo na dapat kong tuparin, O Diyos;+Maghahandog ako ng pasasalamat sa iyo.+
13 Dahil iniligtas mo ako sa kamatayan+At hindi mo hinayaang matisod ang mga paa ko,+Para makalakad ako sa harap ng Diyos nang nasisinagan ng liwanag ng buhay.+